Chapter 4 : Punishments

77.2K 2.7K 906
                                    

4.

Punishments

Erin's Point of View

“Pag nalaman ko sino yung lokong nag-lock satin dun, mapapatay ko talaga siya.” Napasinghal ako’t nagpatuloy sa paglalakad. Madilim parin at napakatahimik ng paligid pero hindi ako takot kasi hindi ako nag-iisa, kasama ko si Curt.

“Hayaan mo na.” Nakangiti niyang sambit at inabot sa akin ang isang bottled water.

“Teka sigurado ka bang ihahatid mo ako sa bahay namin?” Tanong ko at tumango-tango siya ng walang pagdadalawang-isip. Nakapagtataka, ba’t biglang naging ambait niya sakin ngayon?

Narinig namin ang serena ng sasakyan ng campus security kaya kapwa kami natigil sa paglalakad at napalingon dito.

Shit! May Curfew nga pala dito sa campus, Alas tres pa ng umaga kaya siguradong huhulihin kami nito at ipapatawag ng dean. Stay-in kasi ang karamihan sa amin dito sa campus, ang iba nakatira sa dormitory pero kami nila Ria, mas pinili naming tumira sa isang bahay para naman mas maging komportable kami.

“Madaling-araw na, bakit nasa labas parin kayo? Alam niyo bang bawal to?” Sita sa amin ng guwardya nang huminto ang sasakyan nila sa tapat namin.

“May nag-lock po sa amin sa kabilang building. Tanungin niyo pa ang janitor na tumulong samin.” Taas-noong paliwanag ni Curt.

“Mga ID niyo.” Maotoridad sa sambit ng guwardya habang itinututok sa amin ang dala niyang flashlight. “Erin Hope Eusebio?” Aniya matapos tingnan ang ID ko kaya tumango-tango na lamang ako.

“Nahanap ko na si Ms. Eusebio. Ihahatid ko na siya diyan, Over.” Muli akong naguluhan nang bigla na lamang nagsalita ang guwardya sa maliit na radyong nakakabit sa kanang balikat niya.

Nahanap? Teka kelan ba ako nawala?

*****

“Shit…” Nagulat ako nang makita ang dalawang sasakyan ng mga pulis na nakaparada sa labas ng bahay namin. Hindi tumutunog ang mga sirena nila, pero nakakasilaw sa mga mata ang makulay na ilaw na nakapatong sa kanilang sasakyan.

“Ria! Melody!” Dali-dali akong lumabas mula sa sakyan at nagtatakbo papasok ng bahay.

Para akong nabunutan ng malaking tinik nang maabutan ko silang dalawa sa sofa. Hindi ko napigilan pa ang sarili kong mapahagulgol nang magyakapa kaming tatlo. Takot na takot ako, akala ko naulit ang nangyari last year. Akala ko nawalan na naman ako ng mahal sa buhay.

“Erin bwisit ka! Pinag-alala mo kami alam mo ba ‘yon?!” Sigaw ni Melody sabay hampas sakin.

“Saan ka ba galing?! Akala namin kung ano nang nangyari sayo!” Iyak naman ni Ria na nakayakap parin ng mahigpit sakin.

Teka, ibig sabihin hindi sila ang nag-lock samin ni Curt sa banyo?

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now