CHAPTER 24

66 13 0
                                    

Kung pwede lang turuan ang puso kong magmahal ulit ginawa ko na. Nasa kanya na lahat e, kaso ang hirap. Oo na -aattract ako kay Exo, pero hindi ko pa kayang magmahal ulit.

"Stop crying", malumanay na saad niya habang hinaharap ang mukha ko sa kanya.

Pinunasan ko ang aking mga luha pero agad niyang hinawakan ang mga kamay ko.

Bakit ba napapadalas ang pag-iyak ko? Sa loob ng mahigit isang taon akala ko naging matatag ako. Pero heto, parang tangang umiiyak.

"Let me wipe your tears", sabi niya habang marahang pinupunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang dalawang hinlalaki.

"Let me take away your pain", wika niya at inilagay sa likod ng aking tenga ang hibla ng aking buhok.

"Let me stay by your side", usal niya habang binibigyan ako ng isang totoong ngiti.

"Let me pick up your broken pieces and make it whole again"

"Let me have this time to love you".

Katahimikan.

Isang nakabibinging katahimikan.

Hindi ako makapagsalita.

Naninikip ang dibdib ko.

Totoo ba talaga ito?

Sobra ang lalaking ito para sa akin. Hindi bagay sa kanya ang isang tulad kong babae.

"Exo kasi.., diba Simula pa lang alam mo naman sitwasyon ko diba. Magulo ang buhay ko Exo. Mahirap. Madaming sugat Exo. I'm a mess. Please, wag mong sayangin ang pagmamahal mo sa akin Exo. Baka naawa ka lang, kaya wag ka mag-alala kaya ko sarili ko", sabi ko na diretsong nakatutok ang mga mata sa kanya.

"I'm a trash Exo. Mas deserve mo ang babaeng hindi tulad ko. Yung magmamahal ng buo sayo"

"Kasi Exo ang hirap. Sa lahat ng pinapakita mong kabutihan. Pero ayaw kong madaliin Exo e. Masakit. Nasaktan na ako. Hindi ko alam kapag mangyari ulit"

Unti-unting siyang naging seryuso. Kitang kita ko iyon sa kanyang mga mata.

"Kath...", usal niya at nagbuntong hininga.

"First of all hindi ganon ang pagtingin ko sayo tulad ng iniisip mo. And, how many times do I have to tell you I'm gonna wait alright?"

Parang sasabog ang puso ko sa kaba. Hindi ko siya nakitang seryuso talaga ang datingan.

"Look, don't say you're a mess that's why hindi ka bagay sakin. Wag ka nga mag-isip ng ganyan"

"If you're a trash, then I'm willing to be a trashcan just to have you", seryuso padin niyang wika habang dretsong nakatitig sa kaluluwa ko na para bang pinaparamdam ang kanyang sinseridad.

"Let me be with you while picking up your pieces Kath. Let me help you. If you're hurt by your past its okay. I can be your bandaid. I can cover your wounds until its healed. Just let me whole you. Just let me Katherine"

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Ayaw kong maubos ang oras niya sakin.

"Pano kita  mamahalin Exo kong mismong sarili ko di ko kayang mahalin? Hindi ko na nga makilala ang sarili ko ngayon. Exo, wag mong aksayahan ang oras mo sakin", sigaw ko sa kanya. Ayaw ko na ng mga drama pa. Kung itataboy, Edi itataboy ko siya. Hindi na mababalik ang dati. Kung ipipilit ko, baka hindi maganda ang kalalabasan. Mabuti ng mas maaga pa para maiwasan. Ayaw kong maka sakit ng iba tulad ng naramdaman ko.

"Alam kong mahirap sayo ang magmahal ulit. Pero sana naman isipin mo na hindi lahat mapanakit", sabi niya.

"You maybe broken. You maybe messed up. But I love you as you Katherine. I'll do my best to make you whole again. At sana pag nagawa ko yun, matutunan mo na akong mahalin"

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon