CHAPTER 27

62 12 0
                                    

A/N: For the first time ay magiging POV muna ito ni Eleanor at Edrix. Hehe! The last chapter ay tungkol din naman sa kanya at sa Ex niya kaya sila muna ang POV sa chap na ito pero syempre nakatutok pa din tayo nila Kathy at Exo. Love lots! Muah

ELEANOR'S (Lea) POV

"Wag ka ngang humawak sa akin! Dammit!", sabi ko sa isang lalaking lasing na meztizo naman. Wala ako sa mood makipaglandian ngayon, gusto ko lang sumayaw at uminom. Walang landian. At kapag minamalas ka nga naman, nandito pa talaga ang putanginang Yuchengco nayun.

"Chill Baby! I'm just dancing with you", wika ng meztizo na may accent pa.

Pinabayaan ko ang lalaki na sumayaw sa aking tabi. Hindi ko naman pag-aari ang dancefloor para paalisin siya.

Nagpatuloy ako sa pagsayaw ng maramdaman ko ang malilikot na palad na gumapang sa aking likuran pababa sa aking pang-upo.

"Fuck you Bro!", pagmumura ko sa lalaki. Wala akong paki sino yun. Umalis ako sa aking kinaroroonan pero sumikip ang daan ng dumami ang sumasayaw.

Patuloy ako sa paglalakad kahit masikip ng may kamay na naman sa aking magkabilang braso at mainit na hininga ang nasa aking tainga.

"Right. Fuck me", malokong saad nito na ramdam ko ang katawan niya sa aking likuran. Rinig ko din ang malademonyo niyang tawa kaya agad akong kumawala sa pagkakahawak niya.

"Don't you dare touch me you asshole!", buong boses kong sigaw. Kung may hawak lang talaga akong kutsilyo baka kanina ko pa napatay ang isang to. Wala ako sa mood at dumagdag pa ang kagagohan niya. Wala akong paki makulong ngayon, wag na wag lang siyang magkakamali.

"Calm down baby. Stop yelling", isa na namang estranghero ang nagsalita. Mukhang kasama siya ng meztizo kanina.

"She's playing hard to get Bro", saad ng meztizo at nagtawanan pa sila. Hindi naman imoral ang damit ko. Kung tutuusin nga, maraming babae sa dancefloor ang parang hubot hubad na. Kaya why me? Not available boys.

Akma silang lumapit patungo sa akin. Kinakabahan man ako, hindi ko naman hahayaang may mangyari sa akin. Hell no!

"Umalis nga kayo! Tabi! Tabi!", paghawi ko sa kanila pa iwanan sila. Sa halip na umalis sa aking daanan hindi sila umalis. Patuloy sila sa paghakbang palapit sa akin.

Ang isa ay nasa harapan ko at ang isa naman ay nasa aking likuran. Gustohin ko mang sa aking kaliwa o kanan dumaan ay hindi ako makadaan dahil sa sobrang sikip.

"Ano ba? Tatawagin ko ang guard! Guard! Guard!", sigaw ko pero hindi ako nadidinig ng mga bouncer.

Peste!

Nakalapit ang meztizo at agad pinulupot ang kanyang kamay sa aking beywang. Nakaharap ako sa kanya at Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga.

"Bastos!", sigaw ko ng humigpit ang pagkakapit niya sa akin. "Wag mo akong hawakan!!", buong boses na sigaw ko habang buong lakas na magkumawala sa kanya.

"Tulong!", sigaw ko pero tinakpan niya ang aking bibig. Buong lakas akong gumalaw-galaw para makawala sa demonyong ito. Umaalon na din ang aking paningin dahilan sa ilang shots na aking nainom.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon