CHAPTER 13

73 11 0
                                    

Broken Strings
||Chapter 13||

I feel sudden drought in my throat. Tanging paglunok lang ng sariling laway ang paraan para maibsan kung ano man ang rason bakit parang may nakabarang El Niño sa lalamunan ko.

And what in the world has gotten to his mind again?

"Sana all mag-eenjoy ngayong gabi!", Lea exclaimed as she clapped her hands.

Exo turned his eyes to her, still smiling.

"Wanna come with us Eleanor?", tanong ni Exo sa kanya.

Kung kanina ay yung mapang-asar na aura ni Lea, ngayon ay napalitan ito ng seryusong mukha.

Problema niya? She swings her moods for just a couple of seconds.

Tiningnan ko ng maiigi si Lea. Wala naman atang mali sa sinabi ni Exo. The unusual silence between us three lasted for five seconds.

"Sige lang Exo. Tawagin mo akong Eleanor at ibubuhos ko ang kape na ito sayo", seryuso niyang tugon.

Seryuso? Agad naman akong natawa habang si Exo ay nailing na lang dahil sa inasal at sinabi niya.

"Chill Eleanor. You acted like we've not been together you know", sabi ni Exo at nagpipigil pa ng tawa.

Wait.. what?

Ako naman ang nag-iba ang timpla sa ngayon. My smile and laugh immediately faded as I process what I just heard.

Sila ni Lea? Pinagsamahan?

Wag niyang sabihin si Exo ang ex niy---

Naputol ang paglalayag ng isip ko ng biglang tumawa si Eleanor. Kung kanina'y seryuso ngayon naman ay bumalik na sa may sayad niyang kaanyuan.

"HAHAHAHAHAH. Kalma Kath", sabi niya at tumatawa pa. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Oo may pinagsamahan talaga kami dati. Diba Exo?", tanong niya pa kay Exo.

Ngiti lang ni Exo ay tinugon niya kay Lea habang akoy atat na malaman ang buong sasabihin niya.

"Pasensya Kathy kasi di ko agad sinabi. Akala mo tuloy civil lang ang pakikitungo ko ditong Exo nato. Pero sa totoo lang magkakilala na talaga kami", sabi niya.

Ito na. Sabihin mo na lang ng diretso na siya yung Ex mo. Chinky eyes and no double eyelids. Oh my!

Naghihintay lang ako sa isusunod na sasabihin niya, pero di ko na talaga nakayang kimkimin pa.

"Siya yung Ex mo?", di ko na talaga mapigilang magtanong sa kanya.

I'm not gonna be that very much surprise, may mga itsura naman sila dalawa pareho. Pero as in? Legit?

Bigla na lang silang tumawang dalawa ni Exo. Maluha-luha na si Lea habang si Exo ay hinahawakan na ang tiyan niya.

"Hindi..", wika ni Lea habang itinuloy ang pagtawa.

Kunot-noo ko namang binalingan ng atensyon si Exo.

"Speaking of Ex... I don't much hang out with them anymore. Too busy. How are you and Drix?", tanong niya kay Lea.

Naguguluhan ako. Ano ba pinag-uusapan ng dalawang to?

Napawi ang tawa ni Lea. Bumalik na naman siya sa pagiging seryuso.

Nagbuntong hininga muna siya.

"Gago ang kaibigan mo Exo..", usal ni Lea habang may mapaklang ngiti.

Ibig sabihin kaibigan ni Exo ang Ex niya?

That's a relief.

Nakagat ko ang sariling labi. Leche, ano bang iniisip ko?

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now