CHAPTER 47

72 5 0
                                    

Ramdam ko ang panginginig sa aking katawan. Shit. Akala ko ba wala siya? Am I being scammed by Eleanor? Fvck.

Napahigpit ang kapit ko sa shoulder bag. Ang lapit ng distansya namin! Para akong tanga na nakatitig sa shot glass sa lamesa na hindi kayang lingunin si Exo gayong tinatanong niya ako.

Napatikhim si Benj. Hindi ko man tingnan ay malokong mukha niya ang nakatitig sa akin.

One

Two

Three

“Excuse me”, tumayo ako at naglakad palabas sa bar.

I don't think I can share the same place with him. I can feel my knees trembling and my lips quivering. Bakit ba kasi nandiyan siya gayong hindi pa ako nakakalimot ng tuluyan? Damn.

Ng nakalabas na ako sa bar ay nakita ko si Lea ilang dipa ang layo sa akin. Kasunod niya si Edrix na nakaakbay sa kanya.

Taas baba ang dibdib ko. Kumaway si Lea sa akin pero galit ang ekspresyon sa aking mga mata.

“Ano to? Akala ko ba wala?”, halos maiyak na ako sa inis. I was trying to forget him okay? Pero hindi nakakatulong na makita ko siya dahil bumabalik na naman ako sa pagbabasakali kahit may katotohanan ng namamayagpag.

Kagat ni Edrix ang labi niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Nangunot naman ang noo ko. Plano ba nila ito? Kasabwatan sila? Damn!

“You faked me! Lea naman”, ang bilis ng hininga ko. Tinanguhan ni Lea si Edrix, senyas na mauna ng pumasok sa loob. Hinarap naman niya ako na naka taas ang kilay at nakahalukipkip.

“Mahal kita kaya ko 'to ginagawa. Hindi ko alam ano talagang meron pero kailangan niyo pa ring mag-usap. Hindi ko rin alam anong pumapasok diyan sa utak mo sa ngayon. Sinakripisyo ko na ang birthday ko para makatulon—”, I cut her off.

“Hindi ka nakakatulong. Sinusubukan kong kalimutan siya Lea kaya hindi nakakatulong 'to. Ilang taon na ang nasayang ko, panahon na din para palayain ko yung puso ko Eleanor”, pagpapaintindi ko habang pinunasan ang maliit na luhang lumandas.

Nagbuntong hininga siya at lumapit sa akin.

“Kaya nga linawin niyo. Wag ka ngang masyadong overthinker. Malay mo. Kilala naman natin si Exo. Alam ko kung gaano ka niya kamahal—”

“That was five years ago. Iba na kasi ngayon. Tsaka, ang linaw na Lea. Ang linaw linaw na. Nakita ko e. Nasaksihan ko”, pahina ng pahina ang boses ko at parang sinasakal ang dibdib ko dahil hindi na ako labis na makahinga.

Narinig ko naman ang matunog ng hininga.

“Para kayong tanga ha. Hindi na tayo teenagers. Halata naman kasi”, nag-angat ako ng tingin sa kanya na mas nanlilisik na mata.

Lumagpas ang tingin ni Lea sa akin. Nakita ko siyang nakatitig sa likuran ko. Lilingon na sana ako para alamin ang tinitingnan niya ng may magsalita.

“Kath..”, nanghihina, pagod pero malambing niyang tawag.

My heart skipped a bit. It was the first time he utter my name after freaking five years of being away from each other.

Nanigas na naman ako. Ang bigat sa dibdib. Iyong panginginig mas lumala. Hindi ko alam anong gagawin. Nakaawang ang mga labi kong nakatitig kay Lea.

“Ewan ko sa inyong dalawa. Parehong mga Engineer pero di nakagawa ng matatag na pundasyon, kailangan pa talagang umalis ng ilang taon”, sabi ni Lea na parang stress na siya na nangyayari.

Hindi naman ako nakapagsalita. Gusto ko siyang batokan pero di ko magalaw ang katawan ko.

“Linawin niyo yan. Ikaw Exodus magsalita ka, magpaliwanag ka. Gusto kitang suntukin sa totoo lang. Sa ngayon, mag-usap muna kayo. Papasok na ako sa loob”, at iniwan kami ni Lea.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now