CHAPTER 40

55 7 0
                                    

Umalingawngaw ang malakas na tugtog sa Republic. Walang performer dahil panay electronic music lang ang naghahari sa kabuuan ng lugar.

Hindi ko alam sinong kaibigan ni Benj ang nagyaya sa kanya. Basta na lang akong sumama. Nagbabasakali na makita dito si Exo. Baka umiinom lang siya dito.

Hawak ni Benj ang aking palapulsohan. Nadala na siguro sa nangyari sa nakaraan na aksidente ako kaya grabe ngayong makaprotekta.

“There they are!”, magiliw niyang sabi at agad kaming tumungo sa isang C shape na sofa.

Doon, prenteng umiinom si Alex. Seryuso ito at walang bakas ng ngiti. Si Michael naman ay panay ang buntong hininga habang nakahalukipkip. Si Francis ay hinihilot ang sintido habang tahimik lang sa dulo si Edrix.

Kompleto sana silang magkakaibigan kung nandito lang ngayon si Exo.

Parang binagsakan ng langit ang bawat isa sa kanila dahil sa mabibigat na mukha. Idagdag pa kami ni Benj na panay lang ang buntong hininga.

“Pumunta na daw ang tangina sa America”, maya-maya pa ay usal ni Benj matapos lumagok ng bote ng alak.

Nilingon siya ng mga kasamahan na may gulat na tingin.

“Oh hindi niyo alam? Akala ko ba alam niyo na. Kung gayon, ano yang mga mukha na yan?”, tanong ni Benj habang tinuro-turo pa ang mga mabibigat na mukha ng mga kaibigan.

Nagbuntong hininga si Alex at lumapit sa aking pinsan. May ibinulong ito at naibuga naman ni Benj ang iniinom habang gulat na gulat ang mukha.

“You asshole!”

“Fucking jerk!”

Ilang mura ang natanggap niya sa kanyang mga kaibigan na natalsikan ng alak.

“ANOOO?”, hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Benj kay Alex. Tumango lang ang British at bumalik sa pwesto at nagbuntong hininga.

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang pinag-usapan nila at ganun na lang ang ekspresyon ng bawat isa sa kanila.

Napako ang tingin ni Benj sa akin na may hindi maipaliwanag na mukha.

“Bakit?”, nakakunot noo kong tanong. Hindi ko makuha ang gusto niyang iparating.

Pero hindi niya pinansin ang tanong ko. Gulat siyang napatitig ulit kay Alexondrake.

“Are you serious you British? I really gonna punch you if this is some sort of your funny bulls!”

Mas nagdilim ang mukha ni Alex habang hawak ang bote na animo'y kahit anong oras ay ibabato kay Benj.

“Bakit ako magbibiro? Bagsak nga ako sa isang subject kaya nagyaya ako. Tapos ngayon magbibiro pa ako?”, walang bahid ng ngiti ang nasa mukha ni Alex.

Napatingin naman si Benj sa ibang kasamahan. Naghahanap ng konpirmasyon.

“Sino unang nakaalam? Seryuso ba? Bakit daw? Kailan pa? Please tell me what the fuck is going on!”, balisang tanong ng aking pinsan na may hindi maiguhit na mukha.

“Nakita ko siya kanina. Man, she's really here”, sagot naman ni Michael Alejandro at sabay silang nagbuntong hininga.

Ano bang pinag-uusapan nila. Sa halip na makinig sa mga pinagsasabi ng mga lalaki ay kusa akong kumuha ng shot ng tequila sunrise. Gumuhit ang pait nito sa aking lalamunan. Ngayon lang ako uminom ulit. Tila nakalimutan ko na ang lasa nito at ngayo'y parang unang pagkakataon kong makainom ng tequila. Kahit pa sinipsip ko na ang lemon at asin ay mapait pa rin, pero unti-unti namang nawawala ang pait ng mas nanaig ang sakit na natamo ko ngayon dahil sa nalaman kanina na umalis siya.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon