CHAPTER 52

129 5 0
                                    

“Ang ganda mo!”, napakalapad ng ngiti ni Lea habang maluha-luhang nakatingin sa akin.

Nag-init ang sulok ng aking mga mata habang nakatingin sa salamin. Hindi nga siya nagbibiro. Mismong ako, hindi ko na makilala ang aking sarili habang nakatitig sa aking repleksyon.

“Don't cry my goodness! Ireserve mo iyang mga luha na iyan mamaya my dear sister!”, paglapit ni Naomi habang nilalagyan ng kaunting blush on ang aking pisnge.

Light yellow ang theme kaya pareho silang dalawa na nakagown ng light yellow. Tube pareho ang mga damit nila at nakaayos na rin ang kanilang mga make-up at hairstyle.

“Oh my gosh! Ang ganda na talaga ng kapatid mo Nao! Kathy congrats talaga”, pagyakap ni Lea sa akin.

“Nauna lang kami konti, susunod naman kayo ni Edrix Lea”, sabi ko na lang.

I can't even believe. Parang ang hirap mag sink sa utak ko na ngayon na ang pinakamahalagang araw sa aking buhay. Na ngayong araw na ako ikakasal. Parang kailan lang nagpropose sa akin si Exo sa harap ng maraming tao, pero ngayon ito na ang nakatakdang araw.

“Tse! Parang kailan lang umiiyak ka dahil partner sila Liz at Exo sa party, pero ngayon kasal niyo na”, pang-aasar niya sa akin. Napatawa naman ng bahagya si Nao at inayos ang konting buhok na tumakas sa aking tenga.

Inirapan ko lang si Lea kaya mas lalo siyang natawa.

“Nah, Liz and Attorney are doing fine.. I guess”, and my sister chuckled again and put carefully the veil in my head.

“Sana. Medyo torpe si Francis at in denial pa, halata namang nabulabog na ni Liz ang mundo niya. Mag-iimprove din ang status ng dalawang iyon, magtiwala tayo kay Benj”, at sabay kaming naghagikhikan bago pumasok sa loob ng dressing room si Edrix.

Nakaayos na siya. Nakasuot ng itim na suit at light yellow na tie. Agad hinanap ng kaniyang mga mata si Lea na tumulong na din kay Naomi na mag-ayos ng aking belo.

“Babe.. tara na”, sabi niya kay Lea. Napalingon naman ang aking kaibigan sa kaniya. Bumaling si Edrix sa akin at nginitian ako, ngumiti din ako pabalik sa kaniya.

Naglakad siya palapit kay Lea at agad hinalikan ang buhok nito at hinawakan ang bewang palapit sa kaniya.

“Mauuna tayo sa Bride Babe”, paalala niya ng nakangiti dahil mukhang nakalimutan ata ni Lea na kailangan na niyang pumunta sa simbahan.

Hinalikan niya sa pisnge si Edrix at bumaling ulit sa akin. “Alam ko. Aayusin ko lang 'to sandali”, at nagpatuloy siya sa pagtulong sa aking kapatid.

“Mauna kana Eleanor. Ako na bahala sa kapatid ko”, nakangiting ani Naomi.

Niyakap pa ako ni Lea sa panghuling beses bago sila tuluyang lumabas ni Edrix para mauna na sa simbahan.

“Naomi! Nandito na ang mundo mo!”, sabay kaming napalingon sa pinto at tumambad sa amin ang aming nakakatandang kapatid kasabay si Michael.

“Kuya!”, saway ng aking kapatid.

Agad namang lumapit sa akin si Kris, na nakatitig sa aking mukha.

“You are so beautiful Tita Kathy”, aniya habang nakangiti. Kinurot ko na lang ang kaniyang pisnge. Nakataas ang buhok ni Kristoff at naka suit and tie din.

“Ang guwapo mo din”, at kinurot ko ulit ang kaniyang kabilang pisnge. Napabusangot siya at yumakap na lang sa akin.

“I bet Zai is also pretty today. Right Kristoff?”, pang-aasar ni Naomi sa aming pamangkin. Ngumiti lang si Kris at tumingin sa salamin at pinasadahan ang buhok, animo'y nagpapaguwapo sa sarili.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now