CHAPTER 5

110 25 1
                                    

Broken Strings
||Chapter 5||

We safely and soundly arrived at 'our' school. I also immediately bid him goodbye and send my gratitude to him after driving me. I quickly ran since I have this quiz right now. Sabi naman niya ay tatawagan lang daw niya ako mamaya.

Good thing that I had this attitude na hilig ko ang mag-advance reading. Minsan kapag pagod ako galing sa trabaho, binabasa ko lang ang mga notes ko o mag-advance study sa mga hindi pa namin tinitake na topic dahil sa pamamagitan nun, nawawala ang stress ko.

Just like right now, it's really helpful being able to read in advance some lessons for this out-of-nowhere-test since I didn't prepared last night because of what happened. Atleast a little reading and review will do.

I'm a scholar. Nag-apply ako for scholarship nung mga time na namatay si Papa. My stepmother cut any strings, she just decided to exclude me literally in the family, kung saan hindi naman talaga ako kasali. Kahit scholar, hindi naman full kaya nagbabayad padin ako. Kaya I also had to maintain my grades.

Maintaining grades by the way isn't a joke, kailangan mong makaabot sa cut off para tuloy-tuloy ang scholarship mo. Ayos lang sana kung iyon lang ang inaabala ko, kaso nagtatrabaho pa ako bilang part-time crew. Nahahati din ang oras at atensyon ko.

Mahirap. Sobra. Pero wala ka na kasing kawalan, hindi ka makakatakbo palayo dahil nakadikit na sa'yo. Na wala na talagang ibang paraan kundi harapin na lang, kahit parang dumadaan ka sa butas ng karayom.

I review for this any available minutes. Some time later, our terror Professor arrived. With his brows furrowed, forehead creased, and glazing eyes behind that thick glasses. Hawak pa niya ang libro niyang kadugtong ng kaniyang buhay.

The test immediately started, pagkatapos niya kaming pinakuha ng papel. I am pretty sure na kung hindi ka nagbasa o nagreview, iyong tipong dinadaan mo lang lahat sa positive mindset at bahala na ni Batman, sureball na babagsak.

You can't literally guess or even have time to interact to others or even cheat. Hindi pareho noong highschool na easy-easy lang. Palibot-libot si Prof, na may apat na mata pa. Isang maling kilos mo, pagsisihan mo. The whole perimeter is covered with annoying silence filled with pressure and fear.

I'm very thankful that I'm one of those announced to be passers for this nerve-wrecking test, na akala mo naman pang mid-terms na. Our professor was terribly disappointed at the same time burning with anger. Lima lang kasing nakapasa, ako lang ang babae.

Sometimes I wonder, bakit kaya no? Di hamak na mas komportable naman ang sitwasyon at mga buhay nila kompara sa akin. Masyado naman ata nilang pinanindigan ang katagang, 'live life to fullest'. Exaggerating how they live at the present making them forget preparing about the future.

Sabi ni Prof na sa susunod na meeting namin mag e-exam daw siya ulit. Removal na kumbaga. Excempted na ang mga nakapasa. Pero yung mga hindi, magti-take sila ulit at syempre kung kanina ay 1-50 lang, sa susunod daw ay 1-100.

That's Professor Hilario Ayden. For every struggle you failed to succeed, expect for the next one will be as twice as hard as the previous.

Pagkapasok ko sa next sub ko, nakapagtataka dahil nagsipag-alisan na 'yong mga kaklase ko sa sub na 'yon. Sabi nila wala daw ang Prof namin. Masaya naman ako. That means I'll be heading for now at the library.

Dito ko na rin ginugugol ang oras ko kung wala mang pasok. Hindi ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko. Konting tiis lang din naman at makakaahon na ako sa paghihirap na'to.. sana lang. If this pain and memories from the past will stop haunting me.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon