CHAPTER 19

67 12 2
                                    

Babe?

Sleep tight babe
Sleep tight babe
Sleep tight babe
Sleep tight babe
Sleep tight babe

Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko

Leche wala na. Di na maawat puso ko.

Kanina pa ako dito paiba-iba ng posisyon. Hindi ako makatulog. May galit si antok sakin at di niya ako dinalaw. Sa halip, pabalik-balik akong dinadalaw ng katagang sinabi ni Exo kanina.

Seryuso? May gusto si Exo sa akin?
Kailan pa? Bakit? Paano?

Kailan nga ba? Noong nagtu-tutor na ako sa kanya? Noong namamasyal kami? Noong pinakilala niya ako sa Ate Gen niya? Kailan?

Mag-isip ka Kathy. Mag-isip ka.

Palagi niya naman akong nginingitian. O posible bang yun na yun? Arggghh.

Baka pinaglalaruan lang ako ni Mario Maurer? Baka gusto niya lang ako kasi misteryusa ako? O baka naaawa lang siya sakin?

Baka naaawa lang siya sayo Kathy.

Baka awa lang ang nararamdaman niya. Hindi naman rin kami bagay. I'm a mess. A whole mess. I can even call my life now as bullshit.

But that bullshit slowly fixed up. Hindi ko maitatanggi sa sarili ko yun. Na nakuha kong ngumiti dahil kay Exo. Na nakuha kong maging masaya dahil sa kanya. Na nakuha kong magpatuloy at umasa dahil sa kanya.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Lagpas alas dose na. Panigurado magmumukha akong bruha mamaya sa klase.

Pano naba to? Manliligaw daw siya?

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko. Ayoko munang sumugal. Ayoko munang masaktan. Ayoko munang umasa na naman.

Pasensya na Exo. Baka pareha ka lang sakin na naguguluhan. Baka ikaw rin ay wala pang kasiguraduhan sa nararamdaman mo para sa akin, katulad ng nararamdaman ko para sa iyo.

Ipinikit ko ang mga mata. At sa kabutihang palad, ay nakatulog ako.

"Puyat ka ba kagabi?", tanong sa akin Lea. Nandito na kami ngayon sa class ni Prof Ayden. Wala pa siya kaya nakakapag-usap pa kami.

"Hindi naman", simpleng tanong ko. Hindi ko pa sinabi sa kanya ang panliligaw 'di umano' ni Exodus sa akin.

Kaninang umaga ay sinadya ko talagang maagang gumising kahit ayaw pa ng mga mata ko. Nag commute ako papunta dito sa paaralan para di na ako makasakay kay Exo. Hindi ko kasi alam pano ko siya haharapin.

"Anong hindi? Eh ano tong mga eyebugs nato?", tanong niya habang tinuro-turo pa ang mga eye bugs ko.

Peke lang yan Lea peke!

"Basta..", sabi ko sa kanya at kumuha ng libro.

Magtatanong pa sana siya ng biglang dumating si Prof kaya tumahimik na siya.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now