CHAPTER 43

49 4 0
                                    

-After 5 years-

Looking back to my younger self, I can't help but to be amazed of all I've done. I've done right. I've been strong. Proud akong sa halip na hayaan ang sakit at galit na bumalot sa akin, nakuha kong magsimula ulit at buohin ang nabasag sa malayang damdamin.

He's right. We need space for the both of us. We need to grow. It's part of life.

Hindi ko alam kung anong rason niya. I never bother myself to know all his rationales, since he never bother to even explain it to me.

Nagpatuloy ako sa engineering. Iyon na siguro ang pinakamahirap na year sa kurso ko, ang third year. Kung saan may mga bagong major subjects na iyong magagamit na talaga sa trabaho. Ang hirap din ng mga panahong iyon dahil nawala na naman ako, nabasag at nawasak.

Gumagraduate ako sa kurso ko. Nag take ako ng Professional Engineering exam at salamat sa Panginoon nakapasa ako. Nagmasters na din ako sa CE ng Structural Engineering and Mechanics. Tila hindi kapanipaniwala na isa na akong propesyunal na enhinyero ngayon na dati lang ay pinapangarap ko. Hindi biro ang napagdaanan ko, may mga oras na iiyak ka na lang talaga dahil sa mga marka na naglalaro sa 3, 4, at 5. Hindi biro ang kinuha kong kurso lalo pa't nasaktan ako sa mga panahong iyon.

Sa kabila ng pagkatumba, nakuha kong makatayo.

Unlike I did first before, where I hid in the dark, perceived this life with all black, I let the light shone upon me. Hinayaan ko ang katotohanan ng buhay. Hindi mo kasi maiiwasan kahit anong ilag mo.

You can't avoid being hurt. You can't avoid being broken. You just need that someone strong enough to make you whole again.

Sa pag-alis niya, andaming bagay ang natutunan ko. Natutunan kong mas maging matatag. Natutunan kong mahalin muna ang sarili ko. Hindi ka tuluyang makakapagmahal ng ibang tao kung mismong sarili mo hindi mo kayang mahalin ng buo.

Nagkandapadapa ako. Pero, bumabangon. Ganito naman ang buhay. May mga panahon na tila nabagsakan ako ng langit, pero iniisip ko na lang na makakaya ko.

I grew. I may act immatured before, but, atleast now I grew.

“Miss Miranda, after nitong last na kanta ay performance niyo na”, sabi sa akin ng babaeng organizer. I've been to gigs. Iyon siguro ang pinakanakatulong sa akin para madala ko ang lahat ng sakit na naiwan niya at mabuo ulit ang sariling muling nawasak.

After he left me, I started to find my real worth, to continue my passion, to pick my broken pieces by myself. He taught me to be strong and to move forward on my own. And somehow, I'm grateful for that.

Natapos ang kumanta. Pumunta naman ako sa stage at sinukbit ang gitara. Hindi pa man ako nagsimula ay naghiyawan na ang mga tao.

I never thought I've come this far. Akala ko nung una tuluyan ng mawawala ang pangarap ko. Tinapon ko iyon. Tinigil ko iyon. Pero, nasa iyo lang naman kung babalikan mo at ipagpatuloy mo ang panaginip mo hanggang sa magkatotoo ito.

“Wahhhh si Ate Kathy!”

“Oh my gosh! Buti dumito tayo ngayon at masasaksihan natin ang performance niya!”

“Ang swerte natin!”

“We love you Katherine Miranda!”

I heard different praises. Opposite from the prejudicial words I got before. I give the crowd my sincere smile.

You were never created to live depressed, defeated, guilty, condemned, ashamed or unworthy. You were created to be victorious.

Smile, it's just a painful moment, you can go through it.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now