CHAPTER 21

50 14 0
                                    

Kinuha ko ang rosas na bigay niya. Sa totoo lang hindi ko ito tinatapon, iniipon ko ito sa apartment. Nilalagay ko sa vase malapit sa bintana ko.

Syempre may sentimental value.

"So tayo na?", nakangiti niyang tanong.

H-ha? Kami na? Akala ko ba mangliligaw pa siya?

"Its not what I meant Kath", sabi niya at mahinang tumawa. "What I mean is Tara na", pagpapaliwanag niya.

Nakita niya ang reaction ko! Jusqopo!

Kalma lang kasi. Wag ka nga praning!

Napatango ako at pumunta na kami sa gawi ng kotse niya. Bago pa ako makapasok ay nakita kong kinamayan pa ako ni Adelaine mula sa loob ng cafe habang si Elle naman ay nagthumps-up.

Parang sasabog na ang puso ko ng bubuksan ko na sana pero naunahan niya ako kaya napalapit kaming dalawa. Ramdam ko ang dibdib niya sa aking likod. Batid ko ring kinakabahan siya sa pagdikit ng aming katawan. Bahagya din siyang nanginginig ng hawakan ang kamay ko na nakahawak sa pintoan.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at agad umupo sa tabi ng driver's seat. Umikot naman siya para makaupo.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana dahil nakaramdam ng kaunting awkwardness.

"Kath, hindi ka ba kumportable?", tanong ni Exo kaya napalingon naman ako sa kanya.

"H-ha? Kumportable naman. Bakit mo naitanong?", tanong ko din.

Sinungaling ka Kathy! Sige lang lokohin mo sarili mo! Kunwaring ayos lang sa puso mong magkalapit kayo!

Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting may mapupungay na mga mata. "Nabigla ba kita sa pangliligaw ko sayo?", tanong niya habang dretsong nakatingin sa mga mata ko.

Hindi agad ako nakasagot.

Oo nabigla mo ako Exo.

"I just don't want to lose you again. I can't let it", mahinang usal niya na narinig ko. Pinaandar niya na ang makina at nagsimulang magmaneho.

Nakatingin parin ako sa kanya na nagtataka.

Ano ang ibig sabihin niya?

"Exo---"

"Kath... Please be with me tonight", sabi niya na tumingin pa sa akin bago ibaling ang tingin sa kalsada.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya.

Leche umayos ka Katherine.

Huminto kami sa park na pinuntahan namin dati.

Katulad ng nakaraan, marami pa rin ang mga taong namamasyal. Naalala ko dito ko natagpuan ang batang Nicholas na umiiyak.

Umupo kami sa parehang bench na inuupuan namin dati. Bumalot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Minamasdan ko lang ang mga sasakyang dumadaan at ang mga taong nagkakaaliwan sa aking paligid ng basagin ni Exo ang katahimikan.

"Itanong mo lang ang mga gusto mong itanong Kath", saad ni Exo. Nilingon ko naman siya na nakaupo sa tabi bagaman may tatlong dangkal siguro ang layo namin. Nakatingin siya mga taong ibat iba ang ginagawa habang may mapayapang ngiti na nakaukit.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon