CHAPTER 37

52 8 0
                                    

“Ayos lang ba kayo ni Exo Kathy?”, tanong sa akin ni Eleanor. Tapos na ang morning classes namin. May isa kaming subject kanina na magkaklase kaming tatlo, ako, si Exo, at si Lea. At hindi maipagkakailang ang lamig ng turing niya sa akin.

Napabuntong hininga ako kasabay ng pagbaling sa kanya.

“Ewan ko Lea”, sagot ko sa kanya sabay tingin sa kawalan. Sinundo naman ako ni Exo kanina sa apartment pero wala siyang masyadong binibitawang salita. Katulad ng matapos niya akong maihatid kagabi. Matapos siyang mag 'good night' ay umalis na siya agad. Ang lamig talaga niya matapos ang pagkikita namin ni Phil.

Hindi ko naman makuhang magsalita dahil naiilang at naninibago ako ngayon sa inaasal ni Exo.

“Ni-reject mo na siguro no?”, nakangiwing tanong niya sabay iling ng kanyag ulo.

Bakit ko naman irereject? Dakilang tanga at bobo siguro ako pag ginawa ko 'yon. May pa bulag at arte award pa siguro akong matatanggap.

“Hindi. Hindi lang talaga kami nagkakaunawaan”, malungkot kong sagot sabay pikit ng aking mata. Nandito na kami ngayon sa cafeteria. Madalas kasama namin si Exo pag lunch. Pero umalis siya kanina lang. May emergency daw.

“At bakit? Halos flawless na nga kung ano man meron sa inyo e”, sabi pa niya sabay hiwa sa karne.

Hindi pa nagagalaw ang pagkain ko. Wala akong gana.

“Lea..”, sabi ko na may maluluha ng mga mata.

Naghihintay lang siya sa idudugtong ko habang nginunguya ang kinakain niya.

“Bumalik yung ex ko..”, sabi ko sabay pakawala ng malalim at pagod na hininga.

Namilog ang mga mata niya na halos maiduwal pa ang kinakain mabuti na lang at agad niyang natakpan ang bibig at linunok.

“ANO?”, malakas na tanong niya na nagsitinginan pa sa amin ang ilang estudyante. Pinandilatan ko siya ng mata na sinasabing hinaan niya ang boses niya.

“Hala! Kailan pa? Bakit daw? Makikipagbalikan ba?”, sunod-sunod na tanong niya na nilapit pa ang mukha sa akin.

Hindi ko na mabilang ika-ilang buntong hininga ko na 'to.

“Nagkita kami kahapon..”, napatungo na ako at gumuhit na naman ang konsensya sa dibdib. “At oo.. mahal niya pa ako..”, patuloy ko sabay angat ng tingin sa kanya.

Napaawang siya sa sinabi ko. Animo'y hindi makapaniwala sa narinig. Dumaan muna ang ilang segundong walang nagsalita bago siya uminom ng tubig.

“Pota. Pano ba 'yan? Alam ba ni Exodus?”, tanong niya na may nag-aalalang tingin.

Tumango lang ako bilang sagot. Alam ni Lea ang kwento ko tungkol sa ex ko dahil naibahagi ko sa kanya ang kwentong iyon.

“Mahal mo pa?,” maya-maya'y tanong niya sa akin. Nandiyan na naman ang pagkaseryuso ng mukha niya na animo'y isang abogado na dapat malaman ang buong detalye upang ipaglaban ang karapatan ko sa korte.

At tsaka, mahal? Oo mahal ko si Phil.

Mahal ko siya noon.

Nakakatawang balikan ang mga araw na minahal ko siya ng sobra. Sa mga araw na kahit nasasaktan na ako na hindi niya nalalaman. Na selos na selos na ako kung sino man ang mga babaeng kasama niya na kaibigan lang daw niya. Na tinitiis at iniintindi ko siya palagi.

Akala ko nga hindi ako makakalimot sa kanya. Nakakatawa lang isipin ang mga panahong iyon ngayong wala na akong nararamdaman ni katiting para sa kanya.

Nakapanghihinayang din. Nakapanghihinayang dahil naibuhos ko ang pagmamahal ko sa maling tao. Ang atensyon, oras, pang-intindi sa taong wawasak lang naman pala sa akin. Pero mas mabuti na lang iyon dahil natuto naman ako. Oo nadapa ako, pero nakatulong naman iyon para magbigay ng inspirasyon sa akin na bumangon muli na maging malakas, matapang, at matatag.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now