Chapter 40

4.6K 119 14
                                    

Dapat hindi muna ako mag-uupdate ngayon kasi may exam kami pero dahil maaga naman kaming pinauwi ngayon eto na ang next chapter.Hindi ko pa po alam ang next update kung kailan,wait na lang po tayo.Sana po magustuhan niyo.

--------------------

"Tita!Tita!"kumakatok ako ngayon dito sa pinto ng bahay nina Tristan habang nakasabit yung kamay niya sa may leeg ko.May malay na naman siya pero mahina pa din siya kaya kailangan niya ng suporta.

Maya maya lamang ay bumukas na ang pinto ng bahay at lumabas si tita "Anong nangyari sa inyo?Bakit basang basa kayo?"tanong niya sa amin habang alalang-alala

"Mamaya ko na lang po sasabihin sa inyo ang lahat.Pumasok po muna tayo."sabi ko kay tita kaya tinulungan naman niya ako sa pag-akay kay Tristan

Dinala namin siya sa higaan niya sa may kwarto.Bumaba muna ako para kumuha ng maligamgam na tubig na ipampapahid sa katawan niya.Nilalagnat kasi siya.Pagkabalik ko sa kwarto ni Tristan,napalitan na siya ni tita ng damit.

"Tita eto na po yung maligamgam na tubig."sabi ko kay tita at iniabot iyun sa kanya

Kinuha iyun ni tita at sinimulang ilagay ang isang towel sa may maligamgam na tubig saka ito piniga at inilagay sa may noo ni Tristan.Matapos ilagay yun ni tita ay tumingin siya sa akin na tila nag-aalala.

"Ano ba kasing nangyari Patrick?"tanong sa akin ni tita

"Tita sorry po.."naluluha kong sabi kay tita.Ako ang may dahilan kung bakit siya nagkasakit,kung hindi ko siya iniwanan hindi siya magkakalagnat ngayon,ako ang may kasalanan ng lahat.

"Bakit ka humihingi ng tawad Patrick?Ano bang nangyari?"tanong sa akin ni tita

"Umalis po kasi ako sandali tapos sabi po sa akin ni Tristan hihintayin niya lang daw po ako doon sa may park kasi bumili din po siya ng pagkain eh nakalimutan ko po na balikan siya hanggang sa naalala ko po nandoon siya sa may park at nakita ko na lang po siya na nababasa ng ulan habang nakaupo hanggang sa nawalan na lang po siya ng malay.Tita sorry po,ako po ang may kasalanan ng lahat."sabi ko kay tita habang naluluha pa

"Hindi mo kasalanan na nagkasakit siya,walang dapat na sisihin dito."sabi sa akin ni tita saka ngumiti

Nginitian ko si tita at sinabing "Sorry po talaga."sabi ko

"Hayaan mo na gagaling din naman si Tristan.Siguro bantayan mo na lang muna siya ngayon dito para naman may makapagcheck sa kanya kung okay lang."sabi sa akin ni tita

"Sige po tita."sabi ko at tumango

"Sige Patrick matutulog na ako ha baka hinahanap na din kasi ako ni Charlene.Ikaw na ang bahala dyan kay Tristan."sabi sa akin ni tita kaya nginitian ko na lang siya as a sign na okay lang

Umalis na si tita habang ako naman ay umupo sa may tabihan ng kama ni Tristan at tiningnan siya habang natutulog.Naiiyak ako kasi hindi dapat nangyayari sa kanya ito ngayon,dapat hindi siya nasa ganitong kalagayan kung hindi ako umalis.Nagsisisi talaga ako.

Tiningnan ko siya habang natutulog at ang gwapo gwapo pala talaga niya,mas gwapo pa siya kay Kim.Mas matangos ang ilong niya,mas maganda ang lips niya pero hindi ko alam kung bakit.Kung bakit si Kim pa din ang mahal nitong puso ko.Naguguluhan na talaga ako !

"Tristan sorry."bulong ko sa kanya habang hawak hawak ang kamay niya at umiiyak

Sorry kung lolokohin kita,sorry kung paglalaruan kita,ginagawa ko lang naman kasi ito kasi ayoko ng masaktan,mas gugustuhin ko pang ikaw ang masaktan kaysa mahulog ako sayo,hindi ko na kaya pang umiyak,hindi ko na kaya pang magdusa,sawa na ako,ayoko na.

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon