Chapter 37

5.3K 129 18
                                    

Matapos kong makita si Kim na may pinatay na isang tao,hindi ako makapaniwala pero imbes na murahin o sigawan siya,binigyan ko na lang siya ng isang napakahigpit na yakap,isang yakap na magpapaintindi sa kanya na may tao pang magmamahal at gagabay sa kanya sa kabila ng mga pagkakamali niya,isang tao na sasamahan pa din siya sa kabila ng mga pagkakamaling ginawa niya,isang tao na patuloy pa din siyang mamahalin.

Matapos ko siyang bigyan ng yakap,tumakbo siya bigla.Hindi ko na lang siya hinabol at naiwan akong umiiyak sa eskinitang iyun,umiiyak hindi lamang dahil sa nakikita kong pinatay niyang tao,umiiyak dahil hindi ko alam ang gagawin para maibalik pa siya sa dati pero kahit na ganoon,hindi ako susuko.Ibabalik ko ang dating siya,yung Kim na masayahin,suplado pero maalaga.Hindi yung ganyan,masama,pumapatay ng tao.Ayaw ko siyang makitang ganyan,ayaw ko siyang manatiling mabuhay ng ganyan ang ginagawa.Ayoko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at patuloy na umiiyak habang nakahiga.Naalala ko pa din yung mga nangyari kanina,hindi ko talaga akalain pero wala na akong magagawa,tapos na eh,nagawa na niya.Ang kailangan ko na lang gawin ay ang baguhin siya,mali pala.Hindi ko pala siya kailangan baguhin,ang kailangan ko ay ibalik siya sa dating siya.

Makakatulog na sana ako ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.May nagtxt,sino kaya ito?Binuksan ko ang cellphone ko at nagulat ako sa nakita kong lumabas sa screen ko.Si Tristan nagtxt sa akin?Bakit?Ang lapit lapit lang ng kwarto niya kailangan pang magtxt?Iba din talaga ang trip ng lalaking to eh no?

"Hi kikiam. :)"sabi niya sa txt sa akin kaya napangiti naman ako ng bahagya

"Hello.Bakit nagtxt ka pa fishball?Ano bang sasabihin mo?"tanong ko sa kanya sa txt

"Wala lang gusto ko lang malaman kung tulog ka na kikiam."reply niya sa akin kaya napatawa naman ako.Grabe pwede naman niya akong puntahan dito para i-check pero may pagtetxt pa talaga siya.Haha grabe din talaga ang utak ng lalaking ito!

"Ahh yun lang ba?Bakit nagtxt ka pa?Pwede namang pumunta ka na lang dito para tingnan ako."sabi ko sa kanya

"Hindi ko kaya eh."sabi niya sa akin na dahilan para maguluhan ako

"Ha?Bakit naman fishball?"tanong ko sa kanya.Bakit naman hindi niya kaya?Bakit baldado na ba siya ngayon at hindi na siya makakapunta dito sa kwarto ko?Haha charot lang.

"Hindi ko kayang pumunta dyan kasi baka kapag nakita kita,hindi na ako makaalis at tabihan na kita sa kama."sabi niya sa akin na dahilan para matawa ako kahit papaano.Ang corny niya ha!

"Yuck!Ang baboy mo naman fishball!Umayos ka nga hahahaha."sabi ko sa kanya kasi hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.Siya ba talaga tong katxt ko ngayon?

"Hahaha joke lang naman.Eto namang si kikiam.Sorry naman tinatatry ko lang kasing pakiligin ka."Sabi niya sa akin kaya mas natawa pa ako.Kailangan pa bang sabihin na kailangan niya akong pakiligin?Haha iba na talaga ang utak ng lalaking to eh ano?

"Ewan ko sayo fishball."sabi ko na lang sa kanya

"Sya nga pala may sasabihin ako sayo kikiam."sabi niya sa akin na dahilan para macurious ako

"Ano naman yun fishball?Pasuspense ka naman eh."sabi ko sa kanya kasi nakakakaba yung sasabihin niya.Baka kung anong masamang balita yan.

"Huwag na bukas na lang.Matulog ka na."sabi niya sa akin na dahilan para mainis ako.Nakakainis siya napakapabitin!

"Ano kasi yun?Kapag hindi mo sinabi sa akin hindi na kita kakausapin kahit kailan."sabi ko sa kanya para sabihin na niya sa akin ang secret niya kasi hindi ako mapakali.Alam niyo naman ako hindi makatulog kapag hindi alam ang tsismis haha dakilang tsismosa to mga bakla!

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon