Chapter 30

5.1K 120 13
                                    

Here's the update,medyo madrama ngayon ang mga mangyayari kaya maghanda na kayo at isa pa masasagot na ngayon sa chapter na ito kung sino nga ba si Mr.Pogi !Sana magustuhan niyo ang update ko ngayon and enjoy !

----------------------

Nakita ko sila,si Kim at Misty naghahalikan sila sa may kama sa may kwarto namin.Nang makita ko iyun,nagulat agad ako at napanganga sa nakita ko.Hindi ko akalain na magagawa yun nina Kim,na aabot sila sa puntong magagawa nila yun.

Sabay sabay nagsibagsakan ang mga luha ko dahil sa nakita ko at agad isinara ang pinto.Nakita nila ako pero I doubt na lang kung hahabulin pa ako ni Kim,alam ko namang mas pipiliin niya pang ituloy yung ginagawa nila kesa sa damayan ako dito sa pag-iyak ko.

Nandito ako ngayon sa may cottage kung saan kami parati nakatambay nina Chaera kapag nag-iinom o kaya naman ay nagkakantahan.Gusto ko munang mapag-isa dito,gusto ko munang iiyak lahat ang sakit na nararamdaman ko dito,sa dibdib ko.Sabi ko hindi na ako iiyak pa kahit kailan pero hindi mo pala talaga mapipigilan yun lalo na at ang pinakanasaktan sayo ay ang puso.Kahit na ano pang gawin mong pagpipigil,tutulo at tutulo yan dahil sa sakit na nararamdaman mo.

"Umiiyak ka na naman?"tanong sa akin ng lalaki sa likudan ko habang hawak hawak ang balikat ko na parang kinocomfort

Napatingin ako sa kanya at tama nga ang hinala ko,si Tristan.Napakalaki ng pasasalamat ko sa taong ito kasi sa tuwing may problema o umiiyak ako lagi siyang nandiyan sa tabi ko para pagaanin ang problemang nararamdaman ko.Salamat sa kanya,salamat kay Tristan.

Sa halip na sumagot sa tanong niya ay tumayo na lang ako at niyakap siya ng mahigpit.Sometimes you don't need advices,sometimes you just need a hand to hold,an ear to listen and heart to understand para sa mga problema mo at nandito si Tristan para ikomfort na naman ako.Niyakap ko siya ng napakahigpit kasi hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko,parang konting konti na lang sasabog na ang katawan ko.

"Tama na."mahinahon nyang bulong sa akin at niyakap na din ako ng mahipit

"Tristan hi...hin..hindi ko na ka..kaya."naiiyak kong sabi sa kanya habang nakayakap pa din ng mahigpit sa kanya.Wala akong paki sa sasabihin ng iba na makakakita sa amin,gusto ko lang ng taong masasandalan ngayon at si Tristan yun.

"Shssss tama na."sabi niya sa akin at hinagpos pa ang likod ko para tumigil sa pag-iyak "Halika maupo tayo."sabi niya sa akin kaya naupo kaming dalawa

"Tristan ang sakit sakit na nito."sabi ko sa kanya habang nakaturo ang kamay ko sa may puso ko

"Bakit?Ano bang nangyari?Dahil na naman ba to kay Arf?"nag-aalalang tanong niya sa akin

Ayoko nang magsinungaling sa kanya siguro mapapagkatiwalaan naman siyang tao after ng mga nagawa niya para sa akin kaya sasabihin ko na sa kanya na si Kim ang iniiyakan ko.Gusto ko nang malaman niya ang totoo.

Umiling ako at mahinahong sinabi sa kanya "Si Kim."matapos kong sabihin yun,sunod sunod na namang nagsibagsakan ang mga luha ko

"Sabi na nga ba eh !Ano bang ginawa nun sayo?"tanong niya sa akin

"Sinaktan niya ako.Ang manhid manhid niya !Hindi ba niya alam na mahal na mahal ko siya?Lahat na ginawa ko sa kanya para lang magustuhan niya ako pero wala,hindi niya pa din ako nagustuhan.May gusto siyang iba,at sa tuwing nakikita ko sila nagseselos ako at sa ngayon hindi ko na kaya,hindi ko na kaya pang magtiis.Sobra na,sobra na akong nasaktan Tristan."naiiyak kong sabi sa kanya habang pinupunasan ang mga luhang patuloy sa pagpapatakan

"Mahal na mahal mo talaga siya ano?"tanong sa akin ni Tristan kaya naman tumango na lang ako ng marahan dahil hindi ko na kaya pang magsalita kasi lagi na lang pumapatak ang mga luha ko "Ako kaya kailan?"seryosong tanong niya sa akin kaya naguluhan ako sa sinabi niya.Ano daw?

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon