Chapter 20

6.2K 144 7
                                    

Dahil matagal na akong hindi nag-uupdate at medyo wala din akong magawa ngayon kasi bored na bored ako,ituloy na natin ang story ni Patricia haha excited na kasi ako sa mga susunod na mangyayari.Sana magustuhan niyo pa din and enjoy :)

------------------

Kanina pang nanlilisik ang mga mata ko sa maharot na Misty na to.Alam niyo ba naman ang ginagawa?Kumakaang lang naman siya at pinapaamoy ang singit niyang maitim pa sa pwet ng elepante kay Kim hahaha joke lang hindi naman,kaya pa naman yun gawin ni Kim edi na suffocate naman siya sa nakakasulasok na amoy.

Yakap dito,yakap doon,akbay dito,akbay doon,halik dito,halik doon.Grrrrr !Nakakainis na ang babaeng to ang landi landi kung pwede ko nga lang sabihin na bakla ako para makaganti ako sa kanya at maitulak siya sa putikan pero hindi eh,bawal pa.Kainis lang !

"Anong ginagawa niyo dito babe?Diba dapat may date tayo?"maharot na tanong ni Misty.Grrr !Kung pwede ko lang siyang sipain nagawa ko na kanina pa.

"Sorry babe ha,napagalitan kasi kami ni lola kahapon kasi ginabi na kami ng pag-uwi galing sa inyo kaya naparusahan kami ngayon."nakangiti na sabi ni Kim kay Misty.Bakit ganun kapag kausap niya si Misty parang ang saya saya niya?Yung lahat ng pagiging masungit niya wala?Tapos kapag kausap ako parang nagmemenopause na lalaki?Bakit?Grabe parang nakakasakit naman ata yun ng damdamin ah.

"Ahh ganun ba babe?Sige huwag kang mag-alala dito na lang natin gawin yung date natin."sabi ng maharot na si Misty

"Sige babe basta para sayo."sabi ni Kim at kinindatan pa si Misty kaya naman ang babaeng higad ay kinilig ng sobra sobra.Grabe nakakainis siya ha !

Maya maya bigla silang nagkatitigan,unti-unti ng nilalapit ni babaeng higad ang mukha niya kay Kim.Omay g hindi to dapat matuloy !Kailangan kong gumawa ng paraan.

"Arayyy !"sigaw ko at hinawakan ang binti ko.Hinilot hilot ko ito na parang nangingimay para mag-alala sila.

Bigla silang napahinto at napatingin sa akin.Halatang halata kay babaeng higad ang pagkadismaya kasi hindi natuloy ang kanilang kissing scene pero sorry na lang siya,hindi ko sila hahayaan.Halata naman kay Kim ang pag-aalala at agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang binti ko.

"Anong nangyari sayo?"nag-aalalang taong niya sa akin.Grabe ngayon ko lang siya nakitang ganito kung mag-alala,parang nakakatouch naman masyado.

"Medyo nangimay lang yung paa ko Kim."sabi ko sa kanya at kuwari kuwari hinihilot ang paa

"Ahh ganun ba?Sige ilapit mo sa akin ang paa mo at hihilutin ko."sabi ni Kim sa akin kaya agad ko naman siyang sinunod

Hinawakan ni Kim ang paa ko at hinilot hilot.Omay g ang sarap sa pakiramdam kahit hindi naman talaga ako nangingimay.Kim sige pa idiin mo pa,yan sige idiin mo pa,grabe ang sarap.Napahinga ako ng malalim kasi mas diniin pa nga niya,napapikit naman ako at dinama ang sarap ng paghilot niya.Sa bawat pagdiin niya napapahinga ako ng malalim sa sobrang sarap,masakit minsan pero nangingibabaw pa din ang sarap.Grabe !

Napamulat naman ako at tumigil na pala si Kim sa paghilot,nakatingin na silang dalawa sa akin.Mukhang natatawa si Mistyng higad kasi dahil siguro doon sa ekspresyon ng mukha ko kanina.Nakakainis nahuli nila akong humihinga ng malalim,akala siguro nila sarap na sarap ako.Grrr nakakainis !Pero totoo naman sarap na sarap nga ako hehehe.

"Ahh...thank you Kim.Ayos na yung paa ko."sabi ko sa kanya at ngumiti

"Ahhh sige."sabi naman ni Kim at tumayo na sa pagkakaupo niya kanina at tumabi sa nakatayong si Misty.Hinihintay niya ata kaming matapos.

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon