Chapter 4

7.4K 204 7
                                    

Sorry po sa late update.Please vote and comment po.Hope you'll like it.

------------

Nandito na kami nina Kenneth,Marj,Ms.Painting at ako sa restaurant para magdouble-date daw.And unfortunately,si Marj ang kadate ko at hindi si Papa Kenneth.

"Babe ang lamig naman dito."malanding sabi ni Ms.Painting.Siguro she is expecting na papahiramin siya ni Kenneth ng coat niya.

"Babe eto oh suotin mo muna itong coat ko."sabi naman ni Kenneth.What ?Bakit mo siya pinahiram ?Dapat ako lang Kenneth !

Biglang ngumisi sa akin si Ms.Painting.Siguro sinadya niya yun para pagselosin ako.

"Amm babe ang tagal naman nung order natin,pwede bang pasandal muna sa balikat mo?"malanding tanong ni Ms.Painting.Grrr nang-iinis ba siya?

"Sige babe sandal ka lang dito."sabi naman ni Kenneth

At dahil sa bwiset na bwiset na ako sa babaeng yun,sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa tutal magkatapat lang naman kami.

"Aray !Bakit mo naman ako sinipa?"mataray niyang tanong sa akin

"Ha ?Sorry hindi ko sinasadya.Pasensya na."sabi ko pero umirap lang siya sa akin

"Ahhh honey magccr lang ako ha."sabi sa akin ni Marj

"Sige honey."sabi ko naman

"Patrick ang galing mo talaga kanina,ikaw ang nagpapanalo sa atin."sabi sa akin ni Kenneth

Bigla na lang akong napangiti kasi pinuri niya ako.Ang sarap pala sa pakiramdam na hinahangaan ka ng taong crush mo.

"Salamat."sabi ko na lang

"Sus tyamba."sabi ni Ms.Painting

"Ha?May sinasabi ka?"tanong ko sa kanya

"Wala."sabi niya at umirap ulit sa akin

"Ahh babe punta lang ako sa labas ha.Magyoyosi lang ako ang tagal kasi nung order natin."sabi ni Kenneth kay Ms.Painting

"Sige babe go lang."sabi niya at humalik pa sa pisngi ni Kenneth bago umalis.Nakakaasar na talaga siya !

Matapos umalis ni Kenneth,kami na lang dalawa nang babaeng ito ang natitira.Nagccr pa din ata si Marj.

"Inggit ka no?"tanong niya sa akin

"And why would I ?"mataray kong tanong sa kanya

"Kasi kami ni Kenneth,kasi boyfriend ko siya."sabi ni Ms.Painting sa akin

"Sus magbebreak din kayo."sabi ko sa kanya

"At paano kung hindi?"mataray niyang tanong sa akin

"Edi gagawa ako ng paraan para magbreak kayo."mataray kong sabi sa kanya

"Talaga lang ha?Eh paano kapag ipinagkalat ko sa buong campus na bakla ka?"Teka !Oo nga pala,alam niyang bakla ako.Linchak naman oh !

"Edi sabihin mo,hindi ako natatakot sayo."sabi ko sa kanya

"Pero don't worry hindi ko pa sasabihin sa ngayon,surprise na lang para masaya !"sabi niya sa akin

Hindi na lang ako nakaimik.Anong gagawin ko kapag nalaman ng mga tao sa school na bakla ako?Baka mapaalis ako sa school.Huwag naman sana.

"Oh kayo lang palang dalawa dito,nasaan si Kenneth?"tanong ni Marj na kadadating pa lang

"Nasa labas nagyoyosi."sabi ko

Kailan pa kaya natutong magyosi si Kenneth?Siguro sa barkada niya.

Maya maya ay dumating na din si Kenneth at sakto namang pagdating din ng inorder namin.

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon