Chapter 13

6K 158 15
                                    

Sorry kung napatagal ang hindi ko pag-uupdate,busy po kasi talaga sa school sana maintindihan niyo.Sana may readers pa ako hahaha enjoy :)

----------------------

Kenneth is kissing with the girl that we saw lately at the hotel,PASSIONATELY.

Nagsibagsakan ang mga luha sa mga mata ko.Hindi ko alam kung bakit ako ganito nasasaktan eh hindi naman kami.Nasa lugar ba ako masaktan gayung hindi naman kami?May karapatan ba akong masaktan gayung wala naman kaming relasyon ?Ano ba ako sa buhay niya?Isang hamak lang naman akong bestfriend.Ang sakit sakit,ang sakit makita na may kahalikang ibang babae ang taong pinakamamahal mo.

"Kenneth?"yan na lang ang tangi kong nabigkas habang patuloy sa pagpatak ang aking mga luha

"Pa..pare ikaw ba yan?"tanong sa akin ni Kenneth na lasing na lasing

"Kenneth lasing ka na,tara iuuwi na kita sa hotel."sabi ko sa kanya

"Shige pare."sabi niya at umakbay sa akin

Tiningnan ko ng masama yung babaeng malandi na yun,sana mamatay na siya.Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya,sana kuhanin na siya ni Satanas.

Habang akay-akay ko si Kenneth,patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko.Ang sakit sa pakiramdam kapag paulit-ulit mong naaalala yung nangyari kanina.Ang sakit makita na ang taong mahal mo may kahalikang iba pero ang masama pa dito,hindi ako pwedeng magalit kasi kaibigan niya lang ako,isang lalaking kaibigan.

Sa halip na sa may hotel ko siya dalhin,dinala ako ng mga sarili kong paa sa may dalampasigan.Gusto ko lang magpahangin at magpalipas ng sakit na nararamdaman ko at gusto ko na ding samantalahin ang oras para masabi kay Kenneth ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya habang lasing pa siya.

"Oy pare !"sabi niya sa akin habang nakaupo sa may buhanginan

Tinabihan ko siya at pinakinggan ang patuloy na pag-alon ng dagat.Ang sarap pakinggan,nakakarelax ng pakiramdam.Habang pinapakinggan ito,patuloy lang sa pagbagsak ang mga luha ko.Bakit ang sakit?

"Oy pare bakit ka umiiyak?"lasing na tanong niya sa akin

Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagsimulang magkwento sa kanya "Kenneth alam mo ba bata pa lang tayo mahal na kita.Hindi ko nga alam kung bakit bata pa lang ako ang harot harot ko na eh pero siguro ganto talaga kapag tinamaan ka."sabi ko sa kanya habang natatawa pa "Alam mo ba dati ang saya saya ko kapag magkasama tayo sa playground habang ikaw nakaupo sa may see saw tapos ako yung tagatulak mo."hindi ko alam kung bakit natatawa ako pero naiiyak din ako?Ganito ba talaga kapag naloloko na?

"Ha?Anong sinasabi mo pare?"lasing na tanong niya sa akin

"Ang saya saya natin nun,hanggang sa pumunta kayo ng Manila."biglang lumungkot ang tono ng boses ko "Iniwanan mo ako nang hindi man lang nagpapaalam sa akin,akala ko ba dati magbestfriend tayo?Pero kahit na iniwan mo ako,hindi ko magawang magalit sayo kasi mahal talaga kita eh.Sinubukan kong maghanap ng ibang lalaki kaso ikaw lang talaga Kenneth eh,ikaw lang."naiiyak kong sabi sa kanya "Hanggang sa pumunta kami ng Manila."

"Pare ano bang ibig sabihin nito?"lasing na tanong niya sa akin

"Pumunta kami dito sa Manila at hinanap ko talaga kung saang school ka nag-aaral.Ang saya saya ko nga nung naging kaklase kita,mas lalo kang gumwapo pero mabait pa din.Halos lumundag na nga yung puso ko nung niyaya mo akong magbasketball,kahit na hindi ako maalam,pinilit ko para sayo."naiiyak kong sabi habang nagkekwento sa kanya

"Hanggang sa nanalo nga tayo at ang sarap pala sa feeling na hinahanggan ka ng taong crush mo,yung ikaw ang nagpapanalo ng team niyo,ang saya lang na halos pwede nang kumawala ang puso mo.Hanggang sa nagpunta tayo ng restaurant at kahit na iba ang kadate mo nun,inisip ko na tayo lang dalawa.Alam mo ba ang saya saya ko nun?Siguro nga hindi mo alam dahil manhid ka,wala kang paki sa nararamdaman ng ibang tao."sabi ko sa kanya

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon