Chapter 41

4.3K 120 12
                                    

Sana magustuhan niyo.Alam kong mabilis ang takbo ng story pero sana tanggapin niyo yun ganoon talaga ang utak ko eh,pabago bago.Masanay na kayo sa mga dadating na problema kayanin niyo na lang hahaha.Hindi ko na hahabaan pa enjoy na lang at comment after ! :)

-------------------------------

Matapos kong madinig ang balitang iyun galing kay tita ay agad akong tumakbo paalis at sumakay sa jeep para puntahan ang hide-out nina Kim.Sigurado akong doon lang nila dinala si Charlene.Sana umabot pa ako,sana wala pa silang nagagawang masama kay Charlene kasi hindi ko alam ang kaya kong gawin kay Kim kapag sinaktan niya ang isa na sa mga itinuturing kong mahahalagang tao sa buhay ko.

Noong makapunta na ako sa hide-out nila,agad akong pumunta sa kwarto ni Kim para tingnan kung nadoon siya pero nagulat ako sa nakita ko na dahilan para mapaluha ako at mangamba "Huli ka na!" Nakalagay ang mga salitang iyun sa isang papel at mas kinabahan ako noong nakita kong dugo ang pinangsulat doon.Please Kim huwag!Please sana hindi totoo itong naiisip ko.

Tumakbo ako ng tumakbo at hinanap sila pero hindi ko sila makita ng may bigla akong nadinig na isang sigaw ng bata na sa tingin ko ay si Charlene "Huwag po!"

Agad akong tumakbo papunta sa lugar kung saan ko nadinig ang sigaw na iyun at nang makadating ako doon,bigla na lang akong na-istatwa sa nakita ko.Si Charlene sugatan,umiiyak,maraming mga pasa at mas nagulat pa ako sa nakita ko kasi may isang lalaki na nakataklob ang mukha ng itim na tela ang may hawak hawak na baril at nakatutok ito sa ulo ni Charlene.Sa tingin ko si Kim yun.

"Please huwag po.Parang awa niyo na po huwag niyong iputok yan!"nagmamakaawang sabi ni Charlene habang umiiyak

"Kung sino ka man parang awa mo na huwag mong gawin ito.Ako na ang nagmamakaawa sayo."sabi ko habang umiiyak

"Matapos ng ginawa ng kapatid nito sa tingin mo hahayaan ko pang makaalis ang batang to ng buhay?"sabi niya sa akin.Si Kim nga ang may hawak ng baril.

"Bakit ano bang ginawa ni Tristan sayo?Parang awa mo na palayain mo na siya."pagmamakaawa ko kay Kim

"May ninakaw siya sa akin,isang napakahalagang bagay."sabi ni Kim sa akin

"Ano bang bagay yun?Mas mahal pa ba yun sa buhay ng batang papatayin mo ngayon?Please huwag mong gawin ito."sabi ko kay Kim saka lumuhod "Please." saka nagsibagsakan ang mga luha ko

Nagulat na lang ako ng biglang tinanggal ni Kim ang pagkakatutok ng baril kay Charlene at tumakbo paalis.Agad ko namang nilapitan si Charlene at niyakap ng napakahigpit "Baby huwag ka ng matakot ha,ligtas ka na."naluluha kong sabi sa kanya

"Thanks kuya."naiiyak na sabi sa akin ni Charlene

Bakit ba ginawa ito ni Kim?Ano ba ang bagay na ninakaw ni Tristan at kailangan pang umabot sa punto na kailangan niyang kidnappin si Charlene?Mas mahal pa ba ito sa pinakamahal na bagay sa mundo?Nasisiraan na nga ata talaga siya !

--------------------------

Nandito kami ngayon sa bahay at nasa kwarto na si Charlene,katatapos lang gamutin ni tita.Magkakaharap kaming tatlo ngayon dito sa may salas.Magkatabi kami ni Tristan samantalang si tita naman ay nasa isang upuan.KInakabahan ako ngayon kasi ang seryoso ambiance sa paligid.Walang sino man ang nagsasalita.Grabe natatakot na talaga ako,parang konti na lang ma-iihi na ako.

"Anong ibig sabihin noong nakita ko kanina?"seryosong tanong ni tita

"Alin ma?"tanong ni Tristan kay tita

"Huwag na kayong magmaang-maangan pa.Nakita ko kayong dalawa kanina sa may kwarto."seryosong sabi sa amin ni tita

Ngayon ko pa lang siya nakitang ganito kaseryoso.Grabe natatakot talaga ako!Parang gusto ko na lang umalis at pumunta sa may kwarto para matulog.Ayoko na dito !!!!

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon