Chapter 31

4.6K 126 23
                                    

Medyo maikli lang po ito ngayon,sana po maintindihan niyo.In-update ko lang to parang bonus hahaha sana magustuhan niyo.Medyo grabe po yung mga mangyayari ngayon pero sure naman po akong kakayanin niyo hahaha brace yourself na po and enjoy !

-------------------------

Unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko sa buhanginan.Sa bawat paghakbang na ginagawa ko,kasabay nito ang malakas na pagtibok ng puso ko.Itutuloy ko pa ba tong plano ko?Siguro nga dapat ko ng ituloy to tutal wala na din naman ang taong pinakamamahal ko,galit na siya sa akin,kinasusuklaman na niya ako.

Napatigil ako sa paghakbang nang maramdaman ko ang pag-alon ng malamig na tubig sa may paanan ko.Mas lalo akong kinabahan sa gagawin ko pero buo na ang desisyon ko,gagawin ko na ito.Humakbang pa ako ng humakbang hanggang abot na sa may bewang ko ang tubig ng dagat.Maya maya pa ay may lumitaw na luha sa aking mata kaya agad ko itong pinunasan.Bakit kailangan kong umabot sa ganito?Na magpapakamatay ako dahil lang sa isang pagksawi sa pag-ibig?

Noon inis na inis ako sa mga movies o stories na nababasa ko na nagcocommit ng suicide o kaya nainom ng drugs para ma-overdose o sa madaling salita,nagpapakamatay sila.Sabi ko bakit kailangan nilang magpakamatay?Mga shunga ba sila at ginagawa nila to?Until nandito ako ngayon at isa na ako sa mga gumagawa nito.Nalaman ko na ang sagot sa tanong ko.Hindi pala sila mga tanga,sobra lang silang nasaktan.

Maya maya,naramdaman ko na ang tubig sa may mukha ko kaya naman dahan-dahan ko ng ipinikit ang mga mata ko atsaka ginawa ang huling hakbang na gagawin ko,ang hakbang na magdudulot sa akin para mamatay at higit sa lahat,para makalimot sa sakit hanggang sa humakbang na nga ako at matapos noon,hindi ko na alam pa ang mga sunod na nangyari.

"Patrick !Patrick !"naramdaman ko na lang na may nagpupush ng bandang tiyan ko hanggang sa nailuwa ko ang tubig dagat na nainom ko

"Uho !Uho !"pagluwa ko doon sa tubig na nainom ko.Napatingin ako sa taong nagligtas sa akin at nakita ko ang maluha-luha at halatang nag-aalalang si Tristan,

Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa kasi niyakap niya ako ng mahigpit kaya napayakap na lang din ako "Bakit mo ba ginawa yun?Bakit nagtangka kang magpakamatay?Hindi mo ba alam na nag-alala ako sayo?"galit niyang tanong sa akin pero ramdam kong nagtitigas tigasan lang yan hanggang sa naramdaman ko na lang na umiiyak na siya "Huwag mo na ulit uulitin yun,hindi ko alam ang gagawin ko."sabi niya sa akin habang ramdam ko ang pagpatak ng mga luha niya sa may likuran ko

Ganito ba talaga niya ako kamahal?Hindi ko akalain na iiyak ang napakatapang na taong ito,iiyak ng dahil lang sa akin.Bakit ba hindi na lang ikaw Tristan ang minahal ko?Bakit siya pa?Bakit sa maling tao pa?

"Sorry Tristan,nagawa ko lang naman to kasi hindi ko na kaya,ang bigat bigat na kasi nitong nararamdaman ko."naiiyak kong sabi sa kanya

"Tandaan mo tong sasabihin ko,hindi lunas ang pagpapakamatay sa pagtakas sa mga problema mo kasi bakit kailangan mo pang magpakamatay kung pwede mo naman tong ayusin?"sabi niya sa akin kaya naman napaluha na lang ulit ako.Nagkamali ako,siguro nga nawala na ako sa sariling katinuan ko ng dahil sa kanya at sa problemang dinadala ko.

"Sorry.."naiiyak kong sabi sa kanya

"Hindi magbibigay ang Diyos ng isang problema kung hindi mo to kayang lutasin."sabi niya sa akin

Tama siya,nakalimot ako,nalimutan kong may Diyos.Ang nasa isip ko lang kanina ay si Kim,Kim,Kim !Lagi na lang siya,lagi na lang yung mga problema ko.

"Nagkamali ako,pangako hindi ko na uulitin pa yun."naluluha kong sabi sa kanya

"Kung may problema ka,nandito lang ako,sabay nating aayusin yan."nakangiti niyang sabi sa akin.Bakit ba sobrang bait niya?Pero kahit na ganun,hindi ko siya magawang mahalin.Siguro konting panahon lang at mamahalin ko din siya,tutal hindi naman siya gaanong kahirap mahalin dahil sa kabaitan niya.

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon