Chapter 34

5.3K 142 21
                                    

Sorry sa late ng konting update so eto na po hindi ko na hahabaan pa ang sasabihin ko.Enjoy !

-----------------------

Bumaba kami ni Tristan sa sinasakyan naming jeep at tumambad sa harapan namin ang harapan ng isang ospital,ang ospital kung nasaan si Kim.Bakit ba kasi naisipan niyang magpakamatay?Nang dahil lang sa Misty na yun?Ganoon niya ba talaga siya kamahal?

Unti-unti na kaming naglakad papasok sa ospital at tinanong sa nurse doon kung nasaan ang pasyente nila na nagngangalang Kim.Nang masabi sa amin ng nurse kung nasaan ang kwarto ni Kim agad na kaming naglakad patungo doon.Sa bawat paghakbang na ginagawa ko,kasabay nito ang malakas na pagtibok ng puso ko.Kinakabahan ako sa maari kong madatnan,hindi ko alam kung anong nangyari pero sana okay lang siya,sana ayos na si Kim.

Tiningnan ko ang doorknob na nasa harapan ko,isang hawak ko lang dito at bubukas na ito at makikita ko na ang kalagayan ni Kim.Parang ayaw kong ituloy ito at gusto kong umuwi na kaso hindi ko kaya,gusto ko siyang makita.Unti-unti ko nang binuksan ang pinto habang nasa likod ko naman si Tristan.Napahinto na lang ako sa kinatatayuan ko at unti-unti nang nagsipatakan ang mga luha ko ng makita ko si Kim,nakakaawa siya.Ang daming tubo na nakakabit sa kanya at nakita ko din na may benda ang kamay niya.Hindi kaya?

Nakita ko si lola na nasa tabi ni Kim at nilapitan ko siya habang patuloy ako sa pag-iyak at niyakap siya ng napakahigpit “Lola anong nangyari kay Kim?”nanginginig kong tanong kay lola

“Mga apo maupo muna kayo sandali.”sabi ni lola sa amin kaya ginawa naman namin iyon

“Lola bakit nagkaganito si Kim?”naluluha kong tanong kay lola

“Nagtangka siyang magpakamatay.Nakita ko na lang siya sa kwarto niya na nakalupasay sa sahig habang may mga gamot na nakakalat sa sahig,siguro ininom niya yung lahat na dahilan para ma-overdose siya.At mas nagulat ako nung makita ko ang isang duguang blade,tiningnan ko ang braso niya at nagulat ako sa nakita ko.Naglaslas siya,apo naglaslas si Kim.”naiiyak na pagkekwento sa amin ni lola kaya niyakap ko siya ng mahigpit

 "Kim bakit mo ba kasi to ginawa?"tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kama kung saan siya nakahiga.Alam kong hindi siya sasagot pero gusto ko pa din siyang kausapin kasi umaasa ako,umaasa na magigising pa siya.

"Alam mo apo hindi lang dahil doon ako napaiyak eh."naluluhang sabi sa akin ni lola

"Bakit po lola?Ano po bang nakita niyo pa?"tanong ko kay lola

"Kasi nakasulat sa sahig ng kwarto niya Misty."naluluhang sabi sa akin ni lola.Ano naman kayang nakakaluha doon?Sabagay nakakademonyo nga naman ang pangalan ng higad na yun.

"Pero bakit naiyak po agad kayo doon lola bukod sa mapangit nga po ang pangalan na yun?"tanong ko kay lola

"Kasi nakasulat ang pangalan na yun gamit ang dugo niya,ang dugo ni Kim."sabi sa akin ni lola at agad ulit niya akong niyakap kasi umiiyak na naman siya.Niyakap ko lang siya ng mahigpit at hinaplos ang likuran ni lola.

"Mahal na mahal niya nga talaga siya."sabi naman ni Tristan

"Bakit sino ba siya mga apo?"tanong sa amin ni lola

"Siya po ang naging girlfirend ni Kim pero niloko lang po niya si Kim,pinagalaruan niya lang po ito kaya siguro ginawa yan ni Kim sa sarili niya.Kasi hindi niya matanggap sa sarili niya na nagpaloko siya sa isang babae,sa isang babae na kahit kailan hindi naman siya minahal."naiiyak kong sabi kay lola

"Ganoon ata talaga kapag sobrang nasaktan ang isang tao,dahil sa gusto niyang makalimot,magtatangka siyang magpakamatay."sabi ni Tristan sa amin

Naaalala ko yung ginawa ko dati sa may beach,noong nagtangka din akong magpakamatay sa pamamagitan ng paglunod sa sarili ko.Noong una oo gusto kong makalimot sa sakit na nararamdaman at dinadanas ko pero nagsisi ako sa huli noong nadinig ko ang mga sinabi sa akin ni Tristan.Hindi ko naisip kung may mga masasaktan ba sa gagawin ko,hindi ko inisip kung may maapektuhan,ang inisip ko lang noon ay ang sarili ko,ang makalimot.Nagkamali ako at hinding hindi ko na uulitin yun kasi sabi nga ni Tristan "Hindi solusyon ang pagpapakamatay para matakasan mo ang mga problema mo."

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon