Chapter 53

5.8K 115 45
                                    

Sorry kung napatagal ang update busy po kasi sa school.Please huwag po kayong magsasawang magcomment sa story ko.Sana po wala ng iwanan ito,sama sama na tayo sa ending kahit anong mangyari.Yun lang po and enjoy !

--------------------------

Nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan ni Kim at pinagmamasadan ko siya habang seryosong nagmamaneho ng kanyang sasakyan.Hindi pa din talaga ako makapaniwala na buhay pa pala siya kasi buong akala ko namatay na siya.Kitang kita pa nga ng dalawang mga makita ko noong nakahiga siya sa may kalsada,duguan at wala ng buhay.

Hindi naman sa ayaw kong mabuhay pa muli si Kim,hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.Ang gulo gulo!Lahat ba talaga ito planado?Siguro itong pagkakakita ko kay Kim planado din.Siguro nga,lahat naman kasi ng tungkol sa buhay ko ay puro kasinungalingan.

"Kim..."sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mukha habang nagdadrive

Tumingin siya sa akin ng mabilis atsaka muli tumingin sa kalsada "Bakit?"tanong niya sa akin

"Paano?Paanong buhay ka pa?"naguguluhan kong tanong sa kanya

"Patrick-"hindi ko siya hinayaang makatapos sa sasabihin niya at nagtanong na muli ako

"Nandito ka din ba kasi plano mo din akong saktan gaya nina Tristan?"tanong ko sa kanya habang namumuo ang mga luha sa mata ko.Napatungo ako habang nakatingin sa mga kamay ko at sinabi sa kanyang "Kung sasaktan mo lang din ako,please itigil mo na itong sasakyan.Pababain mo na lang ako at iwan mo na lang dito."malumanay kong sabi sa kanya kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mata ko

Nagulat na lang ako ng bigla niyang inihinto ang sasakyan niya kasabay ng paghinga niya ng malalim.Ramdam kong nakatingin na siya sa akin ngayon.Ako naman ay nakatungo pa din at nakatingin sa may sahig ng sasakyan niya.Wala ni isa ang nagsasalita sa amin,ang buong sasakyan niya ay nababalutan ng katahimikan.

Bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko.Napatingin ako sa kanya habang nagpapatakan ang mga luha ko "Patrick ililigtas kita."seryoso niyang sabi sa akin

Napatingin ako sa kanya habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko "Kim sana nga mailigtas mo ako kasi hindi ko na kaya,hindi ko na kayang masaktan pa muli."naluluha kong sabi sa kanya

Nginitian niya ako at sinabing "Hindi ka masasaktan basta kasama mo ako."

"Sana nga."pinilit kong ngumiti sa kanya

"Saan mo ba gustong pumunta?"tanong sa akin ni Kim

"Gusto ko ng umuwi sa bahay."sabi ko sa kanya na agad naman niyang sinunod

Pagkarating namin sa bahay,agad kaming nagtungo ni Kim sa may salas para makapag-usap.Gusto ko na ding malinaw ang lahat,gusto ko ng malaman ang katotohanan.Wala pa sina mama at papa,pauwi pa lang daw sila dito galing sa resort.Tinext ko na sila para malaman nilang nandito na ako sa bahay at hindi na mag-alala pa.

Tiningnan kong mabuti si Kim habang nakaupo siya sa may harapan ko.Paano nga kayang nabuhay pa siya?Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

"Siguro nagtataka kung paanong buhay pa ako."nakangisi niyang sabi sa akin

"Paano nga ba?Ba..bakit buhay ka pa din?Akala ko kasi wala ka na."naguguluhan kong sabi sa kanya

Huminga siya ng malalim bago ako sinagot "Pinlano ko ang lahat.Pinalabas ko na patay na ako."seryoso niyang sabi sa akin

"Pero bakit?Anong dahilan?"tanong ko sa kanya

"Kasi alam kong mangyayari ang araw na ito,na masasaktan ka dahil sa katotohanan at nandito ako para sagipin ka,para tulungan ka."seryoso niyang sabi sa akin

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon