Chapter 14

5.9K 137 14
                                    

Sorry po sa paghihintay,busy lang po kasi.Sana po still support.Mahaba po tong update ko para makabawi naman sa inyo.Enjoy !

--------------------

"Lola sure ba talaga kayong apo niyo yung si Kim?Ang gwapo eh."tanong ko kay lola.Hindi kasi talaga ako makapaniwala na apo yun ni lola kasi sobrang gwapo !

"Oo naman.Bakit?Masyado bang mapangit si lola para hindi ka maniwalang apo ko si Kim?"tanong sa akin ni lola

"Ammm konti,haha joke lang lola."sabi ko habang nakapeace sign

"Haha ikaw talaga !"sabi sa akin ni lola at hinampas ako sa may braso

"Aray !Paganti ako lola,ang sakit eh."sabi ko kay lola pero nung gaganti na ako,biglang dumating si Kim.Kyaaaah ang pogi !

"Hoy apo nakanganga ka na naman."Grabe panira talaga lagi tong si lola eh no?

"Lola punta na po kayo dito,kakain na tayo."sabi ni Kim kay lola.Kyaaah grabe ang ganda ng boses niya,kakilig.

Inalalayan ko na si lola papunta sa may may mesa.Grabe kami lang tatlo dito.Omay G sana makausap ko si Kim,so excited na.

"Kim apo,siya nga pala si Patrick at dito muna sya titira sa atin ng isang buwan."sabi ni lola kay Kim habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig

"Ano?Bakit?"nagulat na tanong ni Kim.Ayaw ba niya akong kasama?Nakakahurt naman sya.

"Dito muna siya titira bilang pasasalamat sa pagligtas niya sa akin kanina sa magnanakaw."sabi ni lola kay Kim

"Pero..."aangal pa sana si Kim pero nauna nang magsalita si lola

"Sa ayaw at sa gusto mo,dito na siya titira."sabi ni lola kay Kim.Grabe parang labag talaga sa loob ni Kim,parang gusto ko na lang maghanap ng hotel o apartment.

"Lola okay lang po,pwede naman po akong maghanap ng ibang matutuluyan."sabi ko kay lola

"Hindi,dito ka lang Patrick."sabi ni lola kaya hindi na ako nagsalita "Sya nga pala ilang taon ka na Patrick?"tanong ni lola sa akin

"Nasa 16 na po ako lola,4th year high school na po."sabi ko kay lola

"Pero paano yun?Saan ka mag-aaral?"tanong ni lola sa akin

"Next year na lang po siguro."sabi ko kay lola habang kumakain

"Hindi pwede,kailangan mag aral ka.Kaedad mo lang pala tong si Kim eh kaya pwede ka naman sigurong maging kaklase niya sa school niya tutal kasisimula pa lang ng pasukan nila."sabi sa akin ni lola.What?Magiging kaklase ko si Kim?Kyaaaah nakakaexcite,gusto ko ng pumasok.

"Ano?Pati ba naman sa school kasama ko yan?"galit na tanong ni Kim

"Oo at wala kang magagawa kasi yun ang utos ko."seryosong sabi ni lola.Grabe pala tong si lola magalit.

"Okay lang naman po sa aking sa next year na lang ako mag-aral."sabi ko kay lola

"Hindi pwede,mag-aral ka.Bihira lang ang nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral kaya tanggapin mo na lang."sabi sa akin ni lola kaya hindi na lang ako nagsalita pa

"Tapos na po ako.Mauna na ako sa inyo sa kwarto."inis na sabi ni Kim at tumayo na paalis

"Teka apo may sasabihin pa ako sayo."sabi ni lola bago makaalis si Kim

"Ano po yun?"tanong ni Kim

"Magkatabi kayong matutulog ni Patrick."sabi ni lola na ikinagulat ko.Ano?Kami?Magtatabi?Kyaaaah !

"Ano?Pati ba naman sa pagtulog?"galit na tanong ni Kim

"Huwag ka nang magreklamo dyan,wala na tayong ibang kwarto."sabi ni lola

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon