Chapter 28

5.4K 132 9
                                    

Eto na po yung update,kahit wala kaming internet ngayon nagtry talaga akong mag-update.Sana po magustuhan niyo and enjoy reading ! :)

--------------------

Hay ang lamig naman,kinapa kapa ko ang kumot ko habang nakapikit pa din ako at nahanap ko siya sa may paanan ko.Ibinalot ko ang kumot ko sa buo kong katawan kasi ang lamig lamig,sobra.Maya maya habang natutulog pa din ako,naramdaman ko na may humihigit ng kumot ko.

"Kim ano ba?Huwag ka ngang makisukob dito sa kumot ko."sabi ko sa kanya habang nakapikit pa din

"Eh hindi ko kasi makita ang kumot ko."sabi niya sa akin 

"Hay bahala ka na nga."sabi ko at pinasukob na din siya kasi ang kulit kulit niya,sayang naman ang antok ko kapag nawala kaya pinashare ko na para walang magulo

Maya maya,habang nakahiga pa din kami ay may naramdaman akong yumakap sa akin.Nakakainis talaga itong si Kim ang gulo gulo niyang matulog ha.Panira ng moment !

"Kim ano ba?Tanggalin mo nga yang yakap mo sa akin."sabi ko sa kanya kasi naiirita na ako,ang gulo gulo niyang matulog

"Oo na."sabi niya at tinanggal ang pagkakayakap sa akin

Maya maya ulit,habang natutulog kami may naramdaman naman akong dumantay sa akin.Ano ba talagang gusto ng Kim na to ha?Ako iritang irita na sa kanya.Nararamdaman ko pa naman ngayon ang tirik na tirik niyang ano hihihi at hindi ako makapagconcentrate sa pagtulog ko.May magulo haha !

"Kim !Huwag ka ngang dumantay sa akin."iritang irita kong sabi sa kanya

"Oo na,sorry."sabi niya at natulog na ulit

Nakatulog na naman ako ng mahimbing at wala na ulit pang kababalaghang nangyari.Mabuti naman kasi kapag may nangyari pa hindi ko na alam ang gagawin ko kay Kim,baka masipa ko na siya sa sobrang kulit niyang matulog.

"Kim...."sabi ko sa dilim kasi wala akong makitang kahit na ano,nasa isa akong napakadilim na lugar "Kim nasaan ka?"sabi ko pa din habang naglalakad

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa nadapa ako dahil sa nakaharang na isang bato "Aray ko !"sabi ko at tumayo na at pinagpagan ang tuhod ko na may dumi na ng lupa at nagulat na lang ako sa nakita ko nung humarap ako kasi nakita ko si...si...si SADAKO!

"Ahhhhhhhh !"sigaw ko at bigla na lang napamulat.Hay panaginip lang pala ang lahat,akala ko naman naka meet and great ko na nga talaga si Sadako at ayaw kong mangyari yun,nakakatakot kaya siya kasi mukha siyang babae na hindi nanligo ng ilang dekada dahil sa kapangitan at kaganitan ng buhok niya.

"Hoy ano ba Patrick ang ingay mo !"sabi sa akin ni Kim

"Ahihihi sorry naman.nanaginip kasi ako."sabi ko sa kanya 

"Pero kasama din ba sa panaginip mo ang pagyakap sa akin?"tanong niya kaya naman nagulat ako kasi nakayakap na pala ako sa kanya,nakakahiya naman masyado

"Ahh hehe sorry naman hindi ko naman alam."sabi ko sa kanya kasi yun naman talaga ang totoo

"Sus baka sinasabi mo lang na nanaginip ka para makayakap ka sa akin."panloloko ni Kim sa akin

"Ang kapal ng mukha mo ha !Hi..hindi kaya."sabi ko sa kanya.Ang yabang yabang talaga ng lalaking to minsan,feeling gusto ko siya kahit...kahit,OO NA NGA GUSTO KO NA SIYA !

"Sus.Masarap bang yumakap sa akin?"tanong niya sa akin habang may nakalolokong tawa

"Hindi ha !Ang tigas tigas nga ng katawan mo eh parang bato."sabi ko sa kanya kahit ang totoo ang sarap niyang yakapin,para siyang teddy bear haha

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon