Ramses in Niraseya (Kabanata 11)

7.5K 175 4
                                    

KABANATA 11

 

“Aragon”

 

 

            “Alam mo kapag bumukas na ang malaking pintuan papunta sa kaharian ng Niraseya dapat maging handa ka.”

           

            “Anong ibig mong sabihin? Akala ko ba ang malawak at mataas na silid na ito ay Niraseya?” Pagtatakang tanong ni Ramses habang tumitingin sa paligid.

            “Tama. Nasa Niraseya na nga tayo ngunit ito lamang ay isang daanan papasok sa kaharian.” Pagpapaliwanag ng binata.

            “Di ba ang sabi mo magsasanay muna ako sa Silko upang maging handa?”

            “Pero hangga’t nandito ka sa Niraseya, dapat maging alisto ka dahil kung hindi─ maari kang atakin at paslangin ng kahit sino sa mga naririto ngayon.” Sabi ng binata habang itinuturo ang mga tao sa loob ng malawak na silid na kanilang kinalalagyan.

            Tinitigan ni Ramses ang bawat kalahok na naroroon. Naisip nya na sa taglay nilang mahika ay kayang-kaya nilang pumaslang ano mang oras.

            “Huwag kang mag-alala, basta hindi nila nararamdamang natatakot o nanghihina ka ay hindi ka nila susugurin.”

            Muli ay ibinaling ni Ramses ang tingin sa binatang kausap.

            “Bakit ikaw? Isa ka rin sa kanila, hindi ba? Maari mo rin akong patayin.”

            Tumawa ang lalaki. Ito ang unang pagkakataong nakita ni Ramses na tumawa ito. Napaisip sya na mukhang hindi naman mapanganib ang binatang kanyang kausap kaya’t gumaan naman ang kanyang pakiramdam. Nakatitig lang sya sa binata habang tumatawa ito. Ngunit nagulat sya ng biglang tumigil ito sa pagtawa at naging seryoso ang mukha. Tinitigan nito ang dalaga sa kanyang mga mata.

            “Hindi nila ako katulad Ramses. Hindi ko kailangang pumaslang ng kahit na sino para lang sa lakas o kung sa ano pa mang dahilan.”

            Hindi halos makagalaw si Ramses habang nakikinig sa mga sinasabi ng binata.

            “Wala din akong alam sa mahika noon. Pero dito na ako natuto at nasanay ng mga mahika at pakikipaglaban. Ilang taon akong nagtiis at nag-intay para sa isang misyon.” Pagpapatuloy nito.

            “Sino ka ba talaga?” nanginginig si Ramses sa pagtatanong sa binata.

            “Ako? Ako si Aragon.”

            Medyo matagal na din silang magkausap ni Ramses ngunit ngayon nya lamang sinabi ang kanyang pangalan.

            “Aragon, anong misyon ang sinasabi mo?”

            “Lahat tayo dito ay may kanya-kanyang misyon. Kung magagawa mo iyon─” tumigil ito at tumingin kay Ramses. “Mas maiintindihan mo kapag nasa kaharian na tayo.”

            “Sasamahan kita sa misyon mo. Wala naman akong alam sa lugar na ito kaya tutulungan mo ako. Kung magtutulungan tayo, hindi ako mapapahamak at matutulungan pa kita sa misyon mo.” Nakangiting bigkas ni Ramses.

            Nagulat ang binata. Agad itong umiwas ng tingin sa dalaga na parang balisa at hindi mapakali.

            “Hindi, hindi kita maaring isama.”

            “Pero bakit?” pagtatakang tanong ni Ramses.

            Muling humarap sa kanya ang binata at mahinahong nagsalita.

           

            “Sa lugar na ito dapat sarili mo lang ang pinagkakatiwalaan mo. Wala kang kakampi kung ang iyong sarili lamang. Huwag na huwag kang aasa o hihingi ng tulong sa iba. Dahil bawat isa dito ay mapanganib─ kahit ako.”

            Nais pa sanang magtanong ni Ramses ngunit bago pa sya makapagsalita ay pinutol na ito ni Aragon.

            “Kung gusto mong manatiling buhay dito at muling makalabas, sundin mo ang sinabi ko. Sinisugarado ko sa’yo hindi ka mapapahamak.

            Hindi nya alam kung bakit ganun ang kanyang mga narinig. Ngunit dahil nais nyang makalabas ng bahay ay tinanggap nya lahat ng sinabi ni Aragon. Habang pinagmamasdan nya ang mga kalahok sa kanilang paligid. Naisip nyang tama ang binata sa kanyang sinasabi. Kahit sino sa mga kalahok na naandun ay nakakatakot pagkatiwalaan.

            “Sige, tatandaan ko lahat ng sinabi mo. Hinding-hindi ako magtitiwala o aasa sa kahit na sino.” Buong loob na sinabi ni Ramses sa pagbigkas ng mga katagang ito.

            Ang mga mata ni Aragon ay nagbago na naman. Ang ningning nito ay parang nagpapakita ng kapanatagan dahil sa mga narinig mla kay Ramses. Parang nakahinga sya ng maluwag at nawalan ng problema.

            Ngunit hindi pa rin maintindihan ni Ramses ang mga nangyayari at wala pa din syang alam sa mga sinasabi ni Aragon.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon