Ramses in Niraseya (Kabanata 65)

3.8K 105 11
                                    

Kabanata 65

“Bagong lakas. Bagong Pag-asa”

 

“Anong ginawa mo kay Ramses?!!” sigaw ni Perus habang papalapit kay Turda.

“Wala akong ginawa sa kanya.” Nakangiti si Turda na mukhang kahina-hinala.

“Nakita naming itinulak mo sya ng pilitan papasok sa punong yan!!!” sigaw ni Ryona. Lumapit sya sa puno at sinubukang pumasok pero tumalsik lang sya. “Ramses! Ramses!!”

“Hindi makakapasok ang tulad nyo sa punong iyan.” Kalmadong sabi ni Turda.

“Sinasabi ko na nga ba hindi na dapat sya tumuloy una palang!!!” sabi ni Aragon na tila nanginginig sa galit.

Susugurin na sana ni Perus si Turda ng biglang humangin ng malakas. Isang itim na usok ang umikot at nagpalanta sa ibang mga halaman doon. Lahat ng matapatan na nilalang ng usok ay nagiging mabangis.

“Anong nangyayari?” gulat na gulat na tanong ni Turda. Ilang sandali lang ay sinugod sila ng mga nilalang na nadaanan ng itim na usok.

Nakipaglaban sila sa mga nilalang na sumusugod sa kanila ngunit natatakot silang tapusin ang mga ito dahil sila pa rin ay ang mga mabubuting nilalang na nadatnan nila roon.

“Umamin kayo, sino ang nag-aksaya ng kahit anong bunga dito sa loob?!!” galit na tanong ni Turda habang nakikipaglaban sa mga naging mabangis na nilalang.

“Imposible yang sinasabi mo Turda. Wala sa’min ang gumawa nyan. Baka may ibang nakapasok dito ng hindi mo namamalayan.” Sagot ni Aragon habang patuloy sa pag-iwas sa mga nilalang na sumusugod.

Hindi na din naman nag-aksaya ng oras si Turda. Umikot sya nang pabilis ng pabilis hanggang magkaroon ng tila isang putting ipo-ipo sa kanyang paligid. Hinigop nito ang mga itim na usok hanggang tuluyan itong mawala. Naipon sa kamay ni Turda ang prutas na pinanggalingan ng itim na usok. Bago pa nya siyasatin ang prutas ay binago muna nya ang anyo ng mga nilalang na nadaanan ng itim na usok. Hindi ito madali para kay Turda dahil maraming lakas ang nawawala sa kanya. Kapag naubos ang lakas nya ay hindi nya maipagtatanggol ang mga nasasakupan sa oras na makapasok sila roon.

“Gamutin nyo ang mga sugatan!” utos ni Turda sa mga ibang kasama sa loob. Hawak pa rin nya ang prutas ngunit binalutan nya ito ng proteksyon upang hindi na muling kumalat ang itim na usok. Humarap sya kina Perus. “Ito ang sinayang na prutas. Buo pa ito, ibig sabihin sinadyang itapon para makalikha ng itim na usok.” Tiningnan nya ang tatlo isa-isa. “Ang tanong na lang ngayon, sino sa inyong tatlo ang gumawa nito.”

“Makinig ka Turda, hindi namin magagawa yan. Alam ko baguhan lang ang dalawang ‘to pero hindi naman nila gagawin ang ibinilin mo.” Tumingin si Aragon kay Perus at Ryona. “Tama naman ako hindi ba?” tumango si Ryona na halatang natatakot.

“Kung gayon mayroong ibang nilalang ang nakapasok dito.” Tumingin si Turda sa kanyang nasasakupan at ilang sandali lang ay nabalutan ito ng isang puting usok na tila ay pananggalang mula sa kahit anong nagnanais pumasok. “Nakakaramdam ako ng mga hindi magagandang paparating. Humanda kayo.” Hindi pa man sya tapos magsalita ay biglang yumanig sa loob na kanilang kinatatayuan. Kasunod nito ang matinis na alingawngaw. “Nandito na sila.” Sinundan nila Perus si Turda papunta sa daanan at nakita nila ang mga itim na usok na hugis halimaw ang pilit binabangga ang ginawang harang ni Turda. “Pinipilit nilang makapasok.”

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon