Ramses in Niraseya (Kabanata 41)

5.2K 119 2
                                    

 

 

Dahil po sa mahabang bakasyon at summer job hunting I wasn’t able to update this story on time. Hope you understand. :) Sana kahit paano bumilis pa din yung dagdag ng reads and votes. Sana ishare nyo din ‘to sa iba para mabasa nila.

 

Thank you.

 

 

 

 

 

Kabanata 41

 

“Espesyal na kakayahan”

 

            “Ramses, ayos lang kami!” sigaw ni Perus mula sa ibaba. Nakaiwas sila bago pa man bumagsak ang bolang apoy na pinakawalan ng Reme.

            “Panimula pa lamang ang ginawa ko. Magiging masaya ang ating paglalaro.” Tumatawang sabi ng Reme.

            “Mukhang sa lahat ng Reme dito ay ikaw ang pinakamasama.” Sabi ni Ramses. Seryoso ang mukha nito at parang nanggigigil sa galit.

            “Masama? Nasaan?” lumingon ang Reme sa kanyang likuran. “Baka malakas ang ibig mong sabihin at hindi masama.” Ibinuka nito ang naglalakihan nyang mga pakpak. “Ako ang pinuno ng mga Reme. Ako ang pinakamalakas.”  Tumatawang sabi ng Reme.

            “Tinatawag mong malakas ang sarili mo? Mga inonsente lang naman ang mga kayang mong tapusin. Hindi ba?” sabi ni Ramses na titig na titig sa ibon.

            “Kung gayon, ikaw na lang ang aking tatapusin bago ang iyong mga kaibigan. Iniligtas ko naman ang iyong buhay, hindi ba?” Pumwesto ang ibon na parang pasugod kay Ramses.

            “Hindi ako papayag na saktan mo ang mga kaibigan ko.” Itinaas  ni Ramses ang dalawa nyang kamay at inilagay sa kanyang harapan na parang isang pansalag.

            “Anong ginagawa mo? Akala mo ba’y makakaligtas ka sa ganyang posisyon?” lumipad ang Reme papalapit kay Ramses.

            Ngunit sa laki ng ibon na ito ay maabutan at matatamaan sya kahit anong pag-iwas ang kanyang gawin.

            Binangga ng Reme si Ramses gamit ang kanyang ulo. Tumalsik naman paibaba ang dalaga ngunit mabilis nya din napigilan ang sarili sa pagragasa pababa.

            “Oh ano? Wala pa akong ginagawa sa’yo, malayo na agad ang narating mo.” Pangungutya ng Reme.

            “Kung pisikal na lakas lang ang pag-uusapan talagang wala akong laban sa’yo,” sagot ni Ramses sa kausap na ibon.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon