Ramses in Niraseya (Kabanata 44)

5.8K 127 6
                                    

Hello. Sana ispread or share natin ‘tong story para mabasa pa ng iba.. :) Sorry to keep you waiting. Anyways, enjoy reading and don’t forget to vote. You can hit that follow button as well. Thank you.

 

 

 

 

Kabanata 44

“Paalam Silko, Hanggang sa muli”

 

            Hindi pa din makapaniwala sina Ramses na nakakuha na sila ng sarili nilang Reme. Pinagmamasdan nila ang ganda ng tanawin mula sa itaas.

            Naisip ni Ramses ang ganda ng mundong pinanggalingan nya kumpara sa mundong kinalakihan nya. Pinagmamasdan din nya ang mga kaibigan na nauuna sa kanya. Hindi sya makapaniwala na nakikipaglaban sya para sa mga taong ngayong pa lang nya nakasama.

            Ilang sandali lang ay nakabalik na sila sa Silko. Ang mga tao dun ay nagsilabasan ng makita silang paparating.

            “Handa na ba kayo?” tanong ni Ginoong Yaku.

            Tumango lang ang tatlo at tumingin sa isa’t-isa.

            “Kung gayon ay bumaba na tayo,” naunang lumapag ang guro at kasunod sila Perus at Ryona.

            Nagpalakpakan naman ang lahat habang bumababa ang mga ito.

            Dali-daling lumabas si Rettie para makita ang mga dumating. Agad syang pumunta sa may gitna kung saan naghihintay sina Maestro Boro. Tuminin sya sa paligid na tila may hinahanap.

            “Nasaan na si Ramses?” tanong ni Maestro Boro kay Ginoong Yaku.

            Tumingin ang guro kina Perus at Ryona na papalapit sa matanda na tila nag-uusap ang kanilang mga mata.

            “Malamang hindi sya nabuhay,” bulong ni Rettie.

            Agad naman syang sinaway ni Madam Nema sa pamamagitan ng isang masamang pagtitig.

            “Wag po kayong mag-alala. Nahihiya pa po ata syang bumaba.” Nakangiting sabi ni Perus.

            Tumingin lahat sa itaas ang mga tao kabilang na si Maestro Boro. Tanging ang malaking Reme lamang ang nakikita nila. Sa sobrang laki nito ay hindi nila makita kung may nakasakay dito o wala.

            “Iyan ang Reme ni – ” gulat na sabi ni Madam Nema.

            “Ni Ram.” Pagpapatuloy ni Maestro Boro.

            Napansin ni Ramses na ang lahat ay nakatingin na sa kanya.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon