Ramses in Niraseya (Kabanata 30)

6.8K 148 19
                                    

Kabanata 30

“MAPANLINLANG NA BULAKLAK”

 

            “Ifed Reta Altria!” biglang hindi magalaw si Ginoong Domte bago pa man nya mahawakn si Ramses. Tama lang ang pagdating ni Maestro Boro at napigilan nya ang gagawin ng guro.

            “Maestro, mabuti’t dumating kayo sa oras. Ang batang ito ay may masamang plano sa akin kaya uunahan ko na dapat sya,” pagpapaliwanag ng guro.

            Bakas sa mukha ni Ramses ang takot at hindi sya agad nakapagsalita. Nakatingin lamang sya kay Maestro Boro habang pumapatak ang kanyang mga luha.

            “Maestro, dapat parusahan ang babaeng yan,” pagpupumilit pa din ni Ginoong Domte. “Pakawalan nyo na ako pakiusap,” pagpapatuloy nito.

            Parang nainis si Maestro Boro sa narinig mula kay Ginoong Domte. “Ngik Rid Retaw!” muling ginamitan ng matanda si Ginoong Domte ng mahika at unti-unting nagiging bato ang katawan nito.

            “Maestro, bakit?” nagtatakang tanong ng guro.

            Lumapit si Maestro sa kanya at tiningnan ito. “Narinig ko ang mga sinabi mo dahil sa ibon. At naramdaman ko din ang pagpaslang na ginawa mo sa kanya kaya nagmadali akong nagpunta dito para kausapin ka. Pero mas matindi pa ang nalaman ko. Nais mo pang paslangin ang batang ito.” Galit na paliwanag ng matanda.

            Gulat na gulat si Ginoong Domte sa narinig at wala syang magawa. “Hindi ‘to maaari. Mali ang inyong narinig. Hin – ” tuluyan na nga syang naging bato bago pa man nya matapos ang kanyang sasabihin. Ilang sandali lang ay nadurog na din ang tumigas na katawan ng guro.

            “Ligtas ka na Ramses,” mahinahong sabi ni Maestro Boro.

            Hindi naman napigilan ni Ramses ang sarili at napatakbo sya papalapit sa matanda para yakapin ito. “Marami pong salamat,” hindi mapawi ang pag-iyak ng dalaga dahil nakaligtas sya sa kapahamakan mula sa kamay ni Ginoong Domte.

            Pinahid ni Ramses ang kanyang maga luha at tsaka kinausap ang maestro. “Sa aklat ko po nakita ang lahat. Pero hindi na po ata ako makakapasok sa aklat kasi – ” at muling pumatak ang kanyang mga luha, “kasi wala na po ang apoy na ibon. Patawad po, hindi ko po sya naipagtanggol.”

            Ngumiti si Maestro Boro at nilapitan ang mga abo ng ibon. “Halika Ramses, lumapit ka,” utos ng matanda habang hinahawakan ang mga abo ng ibon.

            Lumapit naman si Ramses at tumabi sa matanda. Tinitigan nya ang mga abo. Laking gulat nya na nabubuo ang abo at nagiging korteng itlog ito. “Ano pong nangyayari maestro? Bakit po nabubuo ang mga abo ng ibon?” pagtatakang tanong ni Ramses.

            “Ang ibon na ito ay isang Ampaguia. May limitasyon lang ang kanilang buhay ngunit bumabalik sila sa pagiging itlog at nagsisimula ang panibagong buhay sa oras na mapisa na ito,” paliwanag ng maestro.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon