Ramses in Niraseya (Kabanata 49)

5.4K 115 3
                                    

A/N

 

Dahil alam kong naghihintay kayo ng susunod na mangyayari kaya naman nag-update ako kaagad. Sana ishare natin yung Ramses in Niraseya sa iba para mabasa din nila. Para madaming bumasa. :) At sana wag na wag nyong kalimutang bumoto. Gusto ko din na magcomment kayo para alam ko kung nagustuhan nyo. Mas ginaganahan ako kapag alam ko yung mga palagay nyo. :)

 

Hindi ko na papatagalin pa. Happy reading.

 

***********************************

 

 

 

 

KABANATA 49

 

“SI ONEY”

 

 

            “Pwede pa natin syang matulungan!” inilabas ni Ramses ang ibinigay ni Ka Idong na bote na may laman na usok. “Ito, mapapagaling sya nito ­– ” napatigil si Ramses na parang may naisip.

            “Tama ang naiisip mo. Ngayon naiintindihan mo na kung bakit kita hindi pinigilan?” sabi ni Aragon na bahagyang tumalikod sa dalaga.

            “Pero – bakit?” naguguluhang tanong ni Ramses.

            “Matagal na panahon na syang nabuhay. Kahit gusto nyang wakasan ang buhay nya hindi nya magawa dahil sa isang sumpa. Ang sumpa ng pagkaimortal.” Tumingin si Aragon sa itaas. Nakatingin laman sila Perus at Ryona sa kanya habang nagpapaliwanag.

            “Paanong matagal na panahon? Hindi ba’t kasabay lamang nya ang mga magulang ko dito sa Niraseya? Nakita kong sya ang nagligtas sa akin mula kay Bhufola,” pumatak muli ang mga luha ni Ramses ngunit agad naman nya itong pinahid.

            “Hindi.” Diretsong sagot ni Aragon. Humarap sya kay Ramses at tiningnan ito sa mata.

            Gulat na gulat naman si Ramses sa isinagot ni Aragon. “A – anong ibig mong sabihin?”

            “Imortal na sya kahit bago pa lamang isilang ang iyong mga magulang. Isa sya sa mga nanalo sa paligsahan sa Niraseya,” huminto sandali si Aragon na tila nagdadalawang isip sa kanyang sasabihin.

            Biglang naalala  ni Ramses ang tungkol sa paligsahan na minsang nagtulak sa kanyang pumasok sa sinaunang bahay. Naisip nya dati na kung mananalo sya sa paligsahan ay makakahiling syang makita ang kanyang mga magulang. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagbabago ng mga pangyayari, nasagot ang tanong nya habang sya ay nasa Silko. Nakilala na nya ang kanyang mga magulang at nalaman nya ang kanyang buong pagkatao. Naisantabi ni Ramses ang pagsali sa paligsahan dahil nagkaroon sya ng ibang misyon. Mas malaki higit pa sa pagkapanalo sa paligsahan na iyon.

            “Hindi ba’t maaari kang humiling kapag nanalo ka sa paligsahan na iyon?” pag-uusisang tanong ni Ramses.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon