Ramses in Niraseya (Kabanata 62)

4.3K 93 2
                                    

Kabanata 62

“Ang Mahiwagang Kagubatan”

Naghahanap pa rin sina Ramses ng daanan para makalabas sa kweba ng biglang lumitaw ang kitna na kanilang tinulungan.

“Ituturo ko sa inyo ang isang daanan na hindi pa nasasakop ng itim na mahika ni Bhufola – subalit mapanganib doon kesa sa mga ugat na humabol sa’tin sa itaas.” Malungkot nyang sabi.

“Handa kami sa kahit ano ang importante makarating agad kami sa kaharian ni Bhufola bago pa kainin ng itim na mahika ang buong Niraseya.” Paliwanag ni Ramses. Bakas sa kanyang mukha ang galit kapag naiisip ang itsura ng ilang lugar sa Niraseya dahil sa mahika ng kanyang tiyahin.

“Isang mabilis na daanan na din ang gubat na iyon patungo sa kaharian ng kadiliman. Sa dulo ng gubat ay ang kaharian na ni Bhufola. Kung malalampasan nyo ang panganib at mahika ng gubat ligtas kayong makakarating sa tamang lugar.” Lumipad ang kitna. “sumunod kayo sa’kin.” Sinundan ng tatlo ang kitna na tila may hinahanap.

Ilang sandali pa at sumuot ito sa maliit na butas na isang tao lamang ang kasya. “Isa-isa kayong pumasok. Ito ang daanan papunta sa mahiwagang gubat.” Muling pumasok sa loob ang kitna.

“Mauna ka na.” sabi ni Perus kay Ryona. “Panain mo ang haharang sa daraanan natin. Ako na sa hulihan.” Hindi na din naman nakipagtalo ang dalawa. Naunang pumasok sa butas si Ryona, kasunod si Ramses at panghuli si Perus. Halos gumapang lang sila dahil sa sobrang liit ng daanan.

“Konting tiis lang at makakarating na rin tayo sa labas.” Sabi ng kitna na syang nagbibigay liwanag sa kanila sa loob ng butas na iyon. “Ayun ang liwanag.” Mabilis lumipad ang kitna kaya’t gumapang din ng mabilis ang magkakaibigan. Hindi nagtagal ay nakalabas na sila sa kweba.

Isang mausok na gubat ang bumungad sa kanila. “Ito ang mahiwagang gubat. Nababalot ng makapal na usok pero nawawal rin naman yan. Mahiwaga ang gubat na ito na parang may sariling pag-iisip. Mag-iingat kayo at sana makarating kayo ng ligtas sa kaharian ni Bhufola.” Alam nilang takot ang nararamdaman ng kitna. Takot na baka mabigo silang makalabas ng buhay sa mahiwagang gubat at hindi nila mailigtas ang Niraseya.

“Wag kang mag-alala kitna. Ibabalik namin ang kaharian nyo. Malalampasan namin ang gubat na yan.” Matapang na sabi ni Ramses upang pawiin ang takot na nararamdaman ng kitna. “Bumalik ka na sa mga kasama mo. Kami ng bahal dito. Maraming salamat.” Pagpapatuloy ng dalaga.

“Mag-iingat kayo. Hanggang sa muli.” Bumalik na sa loob ang kitna at naiwan ang tatlo.

“Talasan na lang natin ang pakiramdam sa paligid.” Sabi ni Perus at nauna na syang maglakad.

“Wala halos akong makita. Bakit parang nababalutan pa rin ‘to ng itim na mahika. Halos itim din ang mga halaman dito.” Tinitingnan ni Ramses ang kanilang dinaraanan.

“Bumubulong sila. Nag-uusap ang mga puno at halaman pero hindi ko sila maintindihan. Mukhang kakaiba ang mahika ng gubat na ‘to. Kelangan nating magdoble ingat.” Pahayag ni Ryona. Nakahanda ang kanilang mga sandata kung sakaling may umatake sa kanilang kahit ano.

“Kelangan natin ng liwanag.” Dumampot si Perus ng isang sanga at nilagyan nya ng tela ang dulo nito. “Sindihan mo Ramses.” Ngumiti lamang ang dalaga at tumuro sa hawak ni Perus ng bigla itong nag-apoy. “Sapat na ‘to para makita natin ang dadaanan natin.” Nauuna si Perus habang nasa gitna si Ramses at nahuhuli si Ryona.

Hindi pa man sila nakakapasok sa pinakaloob ng kagubatan ng maramdaman ni Ryona na may humihigit sa kanya pailalim. “Ramses, Perus – ” napatingin agad ang dalawa. Inilawan ni Perus ang dalaga at nakita nyang tila may isang ga-hita na sawa ang pumupulopot sa mga binti ni Ryona. “Hindi ako makagalaw.”

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon