Ramses in Niraseya (Kabanata 43)

5.7K 133 10
                                    

This Chapter is dedicated to Shunyeee!

Sorry kung matagal ang update. Nagkasakit kasi ako. Actually di pa din ako ganun kagaling as of this moment. But anyways, sana magustuhan nyo ang chapter na ‘to and don’t forget to vote.

Happy Reading! :)

******************************************

 

Kabanata 43

 

“Kalaban o Kakampi?”

 

 

            Mas bumilis ang kilos ni Ramses at mabilis syang nakalapit sa Reme. Hiniwa nya ang kaliwang pakpak ng Reme at agad syang tumalon sa harapan nito upang salagin ang lahat ng bolang apoy na pinakakawalan nito pabalik sa ibon mismo.

            Nasasalag ni Ramses ang lahat ng bolang apoy at isa-isa itong tumatama sa ibon. Dahil dito unti-unting napapaatras ang Reme at hindi na din makagalaw ng ayos dahil sa pinsala sa kanyang pakpak.

            Napatigil sa pag-atake ang ibon at natumba ito sa lupa. Madali namang nilapitan ni Ramses ang kanyang mga kasamahan. Hindi masyadong naapektuhan ang mga ito dahil nakagawa agad sila ng pangharang upang hindi matamaan ng bolang apoy ng Reme.

            “Ayos lang ba kayong lahat?” pag-aalalang tanong ni Ramses.

            “Ayos lang naman kami. Matibay ang pananggalang na ito kaya hindi kami masyadong naapektuhan.” Paliwanag ni Perus.

            “Hindi – ” sabi ni Ginoong Yaku habang nakatingin sa harang. “ – kung nagtagal pa ang pagsugod ng Reme na yun, masisira din ang harang na ito.” Itinuto nya ang ilang lamat sa pananggalang.

            “Huwag na huwag kayong gagawa ng kahit anong ikapapahamak nyo.” Sabi ni Ramses.

            “Pero hindi namin matiis. Hindi namin kayang makita kang nahihirapan.” Sagot ni Ryona.

            “Intindihin nyo ako. Iba ang Reme na yan. May kasamaang nananalaytay sa mga dugo nya.” Paliwanag ni Ramses.

            Hindi pa man sila nakakapag-usap ng matagal ay muling gumalaw ang Reme.

            “Buhay pa din sya – ” gulat na gulat na sabi ni Ryona.

            Inihanda ni Ramses ang kanyang tenivis na parang handang umatake kahit anong oras na sumugod ang ibon.

            Napansin nilang unti-unting nagdidikit ang mga pakpak ng Reme sa kanyang katawan at naghihilom ang mga sugat nito.

            “Hindi maari ‘to. Balewala ang mga pisikal na pag-atake. Kaya nyang pagalingin ang kanyang mga sugat.” Pag-aalalang sabi ni Ramses. “Mabuti pang humanap kayo ng ligtas na lugar na mapagtataguan.”

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon