Ramses in Niraseya (Kabanata 23)

6.9K 152 12
                                    

KABANATA 23

“BAGONG KAIBIGAN”

 

            Pinuri ng lahat si Ramses sa kanyang ginawang pagliligtas sa kaibigang si Ryona. Hindi din naman alam ni Ramses kung paano nya nagagawa ang mga ganoong bagay gayung hindi pa nya iyon nasusubukang gawin kahit minsan.

            Habang nanananghalian ang lahat sa Teno ay napagbulungan na naman ng tatlong magkakaibigan ang kanilang nakita sa mahiwagang salamin.

            “Ano pa kaya ang mga pwede nating makita dito sa Silko?” bulong ni Ryona. “Pero alam nyo, mas maganda kung maglibot na lang tayo habang tulog na ang lahat. Ano sa tingin nyo?” Sumubo sya ng isang malaking tinapay habang nakatingin sa dalawang kausap.

            “Tingin ko hindi magandang ideya yang naisip mo Ryona. Masyadong mapanganib. Isa pa⎼” bahagya itong tumigil at tumingin kay Madam Nema na nasa unahan. “Hindi natin alam kung may mga nagbabantay sa mga ginagawa natin.” At muli ibinaling nito ang tingin sa kaibigan.

            “Tama si Ramses. Pero tama din si Ryona. Kung mag-iingat lang tayo, hindi tayo mahuhuli.” Nakangiting sabi ni Perus habang kumukuha ng madaming pagkain.

            Hindi gusto ni Ramses ang pinaplano ng dalawang kaibigan. Alam nya na delikado iyon at baka maging hadlang pa iyon sa layunin nya. Nagpatuloy sila sa pagkain ngunit bakas pa din sa mukha ni Ramses ang pagkabalisa.

            Matapos ang pananghalian ay nagsilabasan na ang lahat upang bumalik sa kani-kanilang klase. Palabas na si Ramses ng Teno ng tawagin sya ni Maestro Boro.

            “Ramses, maari ba kitang makausap?” Tinig ng matanda mula sa kanilang likuran.

            Humarap ang tatlo sa matanda. Nagkatinginan lamang sila na tila kinakabahan.

            Tumango lang si Ramses na nakatingin ng diretso sa maestro.

            “Sumunod ka sa’kin sa aking silid-tanggapan.” Lumabas ang matanda sa Teno.

            Nag-aalala si Ramses at hindi mapakali. “Kinakabahan ako. Anong gagawin ko? Baka nakita ta⎼”

            “Shhhh. Wag kang kabahan, mas lalo kang mahahalata nyan. Walang nakakita sa’tin. Lakad na.” Mahinang sagot ni Perus.

            Sumunod si Ramses kay Maestro Boro. Nilalamig sya at pinagpapawisan ng malamig.

            “Pumasok ka at maupo.” Utos ng matanda habang may kinukuhang libro.

            Umupo si Ramses at tumingin sa paligid. Ang silid-tanggapan ni maestro ay napapaligiran ng iba’t-ibang mga aklat. Ang lamesa ng matanda pati na din ang ibang upuan ay nasa gitna.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon