Ramses in Niraseya (Kabanata 25)

6.2K 152 14
                                    

And as I promised, heto na po. This chapter is dedicated to EssaTerrado. Thanks po sa pagfan at sa pagsuporta sa story na ‘to.

 Para sa mga gustong magpadedicate, just let me know. Don’t be shy. Hihi.. ^_^

 

*********************************************

 

 

KABANATA 25

HINDI INAASAHANG KAPAHAMAKAN”

Ikalawang Bahagi

 

 

            Parang natulala si Ramses na nakita. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Wala syang nagawa para iligtas ang kanyang mga kaibigan.

            Muli ay umungol ng malakas ang halimaw na naglikha ng malakas na hangin.

            Nawawalan na sana ng pag-asa si Ramses ng makita nyang umaangat ang paa ng halimaw kung saan nasa ilalim si Perus. Nakita nyang nagliliwanag ang tekan ni Perus.

            “R – Ramses, wag kang matakot. Makakaisip ka ng paraan. Huminahon ka lang.” Nanghihinang sabi ni Perus.

            Agad nagpunas ng mga luha si Ramses. Habang nagpupunas sya ng luha ay napansin nyang nagkakamalay na ang maliit na halimaw na pinana ni Ryona.

            Tumakbo si Ramses papalapit dito. Tinapakan nya ang halimaw habang nanghihina pa ito.

            “Ikaw halimaw ka!” Sigaw ni Ramses sa halimaw.

            Umungol ng mahina ang maliit na halimaw na nakatawag pansin sa malaking halimaw. Napatingin ang halimaw na ito kay Ramses.

            “Kung hindi mo papakawalan ang kaibigan ko – .” Kinuha nya ang Tenivis at nakatarik sa may puso ng maliit na halimaw. “ – papatayin ko ang anak mo.”

            Parang naintindihan ng malaking halimaw ang nais ipahiwatig ni Ramses at inalis na ang pagkakatapak kay Perus. Dahan-dahang nakatayo si Perus ngunit parang nabalian sya ng buto.

            “Ramses, delikado yang ginagawa mo!” Hinihingal na sabi ni Perus habang hawak-hawak ang kanyang balikat.

            Mabagal na naglalakad ang malaking halimaw papalapit kay Ramses.

            “Perus, tingnan mo kung ayos lang si RYona. Bilisan mo!” Sigaw ni Ramses na hindi inaalis ang pagkakatutok ng Tenivis sa may puso ng maliit na halimaw.

            Nilapitan naman agad ni Perus si Ryona. Pinulsuhan sya ito. “Buhay pa sya, Ramses.” Ginising nya ang dalaga.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon