Chapter 9

8.4K 214 41
                                    

I dedicate this to #itzxxmeabyyy for the constant support kahit ang tagal kong mag-update. Thanks! ;)

*****

NAGISING ako dahil sa ingay na naririnig mula sa ibaba. Those noises are muffled. Napatulala muna ako saglit sa ceiling ng kwarto ko nang maalala na naman ang nangyari kagabi at ang mga nalaman kahapon. Naramdaman ko rin ang pagkirot ng ulo dahil sa sobrang pag-iisip ko. Dahilan para hindi rin ako nakatulog kaagad.

I sighed. Tamad akong bumangon at niligpit ang kama. My head is still pounding in pain. Sisiguruhin ko na lang na makakainom ako ng gamot mamaya pagkatapos mag-umagahan para mawala ito.

Another long day of I don't know what possible things could happen again. I am just 21 but I feel like I aged over the past week since Zykiel sent me those creepy letters.

Marahan muna akong nagstretching upang burahin ang antok sa sistema ngunit agad ding napatigil dahil kumirot ang ulo ko sa matinding sakit. Hinawakan ko ang ulo saka mariing pumikit nagbabakasakaling mabawasan ang sakit kahit kaonti. Pakiramdam ko rin ay nanghihina ako. I really had enough from too much thinking and crying yesterday and last night until this dawn.

Sumilip ako sa bintana at nakita ang mag-amang nasa garden habang pawisan dahil sa kung ano man ang ginagawa.

"C'mon dad!" hinihingal na sabi ni Aki habang nakakunot ang noong nakatingin sa kanyang ama.

Hinihingal din ito at nakahawak sa mga tuhod. Parehong makikitaan ng pagod ang dalawa pero mababanaag naman ang saya sa mga mukha.

I felt the pang inside my chest again seeing them this close. Sounds selfish but after the pain he caused me, it made me a little...well, very obsessive over the things I own. And Aki is mine.

"You won" Zykiel said while still panting.

Aki's face twitched in disapproval as he turned around heading inside the house. Leaving his father.

"Fuck son! I am tired!"

Namilog ang mga mata ko dahil sa narinig. He should not cuss in front of my son! Maaga pa lang ay ramdam ko na ang pagkulo ng dugo ko. How dare him! Baka kung anong masasamang bagay ang natutunan ng anak ko habang kasama siya. Nang maisip iyon ay mas lalo lang akong nagpuyos sa galit dahilan upang mas lalong kumirot ang ulo ko sa sakit. Mariin akong pumikit para kalmahin ang sarili at para mabawasan ng kaonti ang pagkirot ng ulo.

"Tss. Old" rinig kong sabi ni Aki.

"Hey! We've been sparring for straight 3 hours!"

Hindi siya pinansin ng huli at tuloy tuloy lang na pumasok sa loob ng bahay. Napatingala naman siya sa gawi ko nang mapansin sigurong may nakakatitig sa kanya. My stares are cold. Not sporting any emotions at all. Nangunot ang noo niya nang makita ako at mapansin ang disposisyon ko. Siguradong hindi niya alam ang pagkakamaling nagawa niya. Ganyan naman talaga siya. Hindi niya nga ako nirespeto sa pamamagitan ng paglayo kahit alam niyang nagdudusa ako sa sakit na idinulot niya. Sa halio ay nandito siya. Umaastang ayos lang ang lahat.

Umalis ako sa tapat ng bintana at dumiretso sa banyo para gawin ang morning rituals ko.

I took my time while in the bathtub. I have to relax. I still have a severe headache. Pinilit ko ang sariling kalimutan na muna ang mga bagay bagay na maaaring magpalala sa sakit ng ulo ko. Ramdam ko rin kasi ang panghihina kaya sigurado akong magkakaroon ako ng lagnat.

NASA sala si Aki habang nagbabasa ng libro pagbaba ko. Hinayaan ko lang siya at dumiretso na sa kusina para makapaghanda ng umagahan. Kailan kaya uuwi si Manang? I forgot to call her. Kahit naman nagtampo ako sa kanya ay alam ko rin sa sariling hindi ko siya kayang tiisin. She's been a mother figure to me since my parents died.

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon