Chapter 5

10.7K 257 98
                                    

PAGKATAPOS kong maayos sa pagkakahiga si Aki matapos ang mahaba-habang pilitan sa kanya na bumalik na sa pagkakatulog ay bumaba na agad ako sa mini bar ng bahay.

Malaki ang bahay ko rito sa isla.

Hindi ko na kailangan pang lumabas para magrelax. May sea view na tila laging nang-aakit ang dagat. May roof top din na merong transparent na bubong kaya tuwing umaga ay makikita ang kapayapaan ng ibong lumilipad sa ilalim ng mga ulap. Sa gabi nama'y pwedeng magstar gazing. Ito ang mga dahilan kung bakit narerelax ako sa tuwing naririto. The surrounding is such picturesque.

And yes, bahay ko. Dahil ang bahay na 'to ay napanalunan ko sa isang international writing contest. I was the champion and the reward is I can have anything I want. And this house is what I asked. Ako rin ang nagpasya sa magiging interior at exterior design kaya't mas lalo kong nagustuhan ang kinalabasan. Pinili ko itong itayo sa Bantayan Island. I just love islands. Pakiramdam ko mas malapit ako sa kalikasan.

Pagdating ko roon ay nadatnan ko siyang kampanteng sumisimsim ng wine habang nakaupo sa isang bar stool chair. Parang at home na at home. Dahilan kung bakit mas lalo akong nagngitngit sa galit.

"What do you want?"

Walang ligoy kong tanong.

I want to end everything that involve him as soon as possible. Ibibigay ko lahat sa abot ng aking makakaya basta tantanan niya lang kami ng anak ko. Ibibigay ko ang lahat mawala lang siya nang tuluyan sa buhay ko.

Bahagya akong napaatras nang humarap ito nang tuluyan sa'kin at itinuon ang mabibigat niyang mga titig. Masyado iyong mabigat na mas nagpadepina sa intimidating niyang aura dahilan para bahagya akong mahirapan sa paghinga. Inilagay ko sa aking likuran ang dalawang mga kamay saka umayos ng tindig. Tinaas ko rin ang noo. I don't want to give him an impression that I am weak.

"I want Aki and YOU," walang kagatol-gatol niyang sagot habang hindi tinatanggal ang tingin sa'kin na nagpaumid ng dila ko.

Para bang sinasabi niyang kailangan kong makinig ng mabuti dahil ang bawat salitang bibigkasin niya ay mahalaga. Wala dapat akong kaligtaan.

Tumawa ako ng mapang-uyam.

"Me and Aki? You want us? My impression that you have no humour is accurate after all. You're crazy!"

Hindi siya sumagot at nanatili lamang ang malalamig niyang mga titig sa'kin. Ngayo'y nagtatagis na ang mga bagang. Seems like someone has a very short temper eh?

"Ano sa tingin mo ang gusto mong ipahiwatig sa'kin? Na isa kaming bagay na pagmamay-ari mo? Na kukunin mo kung kailan mo gusto? Na ganun ako ka-walang kwenta para gamitin at kontrolin mo ayon sa gusto mong mangyari? Matapos mong magpakabingi sa lahat ng pagmamakaawa at hinaing ko sa bawat gabi at segundong winawasak mo ang pagkatao ko noon aasta kang ganyan ngayon?! Ha!?"

Hindi ko na napigilan pa ang matinding emosyon kaya't bumuhos nang walang patid ang mga luha ko habang sinusumbatan siya. Dinuduro at hinahampas siya sa dibdib. Hindi pa ako nakuntento kaya't pinagsusuntok ko rin 'yon.

Naalala ko na naman ang mga dinanas ko sa mga kamay niya sa loob ng isang buwang pananatili ko sa impyernong kwartong 'yon. Kung paano niya ipinasok ng buo sa lalamunan ko ang haba niya na umabot iyon hanggang lalamunan at binaboy ang bunganga ko. Dahilan para halos hindi ako makahinga sa kakaiyak dulot ng sobrang sakit.

Kung paano niya lamutakin ang mga dibdib ko sa panggigigil na tuwang tuwa siya kapag ibinabaon niya ang medyo may kahabaan niyang kuko sa malambot na laman ng dibdib ko. Hanggang sa dumugo iyon nang dumugo.

Kung paano ako suntukin sa sikmura, sampalin nang paulit-ulit na halos ikatanggal ng aking ulo. Kung paano niya ako tadyakan, sabunutan, duraan, pasuan ng sigarilyo sa iba't ibang parte ng katawan, kalmutin ng may diin at dahan-dahan, tuhuran sa sikmura, at kung ano-ano pang pananakit na maisipan niyang gawin.

Hiding The Mafia's SonWhere stories live. Discover now