Chapter 12

6.2K 168 9
                                    

HINDI ako lumingon man lang. Naghalo-halo na ang mga nararamdaman ko na parang hindi ko na matukoy kung alin doon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito at kung alin ang dapat kong pairalin. Hindi ko din naman alam kung paano ko pakikitunguhan ang mommy niya. Hindi pa nga malinaw sa amin ang lahat ay nagdala na siya ng karagdagang bagahe. Nakakabiwisit! Pamamahay ko 'to pero pakiramdam ko ako ang bwisita!

"Yeah. She's about to rest."

"Oh! Is that so? Go on then, iha."

Tumabi ng bahagya si Zykiel dahil pumunta sa harap ko ang mommy niya. Hinawakan ako nito sa magkabilaang balikat na may mainit na ngiti. I must admit, maganda ang mommy niya. Siguro nasa mid thirties or maybe late?

"I know you had a long day. Let's catch up tomorrow, okay?" Ngiting ngiti pa rin siya at parang nangungusap ang mga mata.

Here's the weird feeling again. Para bang may humaplos sa puso ko habang tinititigan siyang mainit na ngumingiti sa akin but at the same time it feels like there is a hole in my chest. Naalala ko na naman ang sinabi ni Zykiel noon kung kailan ko ito unang naramdaman.

There's nothing behind it right?

Hindi ko maibuka ang bibig. Nakatitig lang ako sa kanya. Gusto kong magsalita pero hindi ko din naman alam kung ano ang dapat kong sasabihin. My mind is blank.

"You should rest too mom. Thanks for looking over Aki."

Ramdam ko ang titig ni Zykiel sa akin jabang nagsasalita kaya nilingon ko siya. His serious gazes makes me feel so small but I don't let him see that. Never.

Tumikhim ako at kinolekta ang lahat ng natitirang tapang na meron ako bago hinarap ang mommy niya.

"Y-you can stay near Zykiel's room m-ma'am."

Nakitaan ko ng emosyon ang mga mata nito pero hindi ko iyon matukoy kung ano kaya't hindi ko na lang din pinansin. Isa pa, pagod ako at gustong gusto ko nang magpahinga. Ngunit hangga't hindi ko nakikita ang anak ko ay hindi ako mapapanatag.

"Darling, can I stay in Aki's room? Please?" she said.

Napatingin ako kay Zykiel. What would I say? Should I say 'yes' like how a daughter in law should when her mother in law is asking for a favor? Or should I said 'no' because we are not even related in law? We are not even connected to each other normally. Our relationship is also not normal at all.

Bumuntong hininga siya at hinarap ang ina. "You can play with him tomorrow mom. After school."

Ngumiti ang mommy niya pero bakas naman sa mukha ang lungkot. Parang naguilty tuloy ako. Am I that inconsiderate? Hindi naman siya ang nanakit sa akin diba? Hindi ko rin alam kung ano ang kwentong inilahad ni Zykiel sa kanya kung bakit ganito na lang siya kung makitungo sa akin. Pero sigurado naman akong labas siya sa kasalanan ng anak niya. Though I can question the way she raised him.

"Okay. You two should rest too." Bakas pa rin ang lungkot sa boses. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil. Like how a mother will do to her daughter.

Binura ko iyon sa isipan. Yes, masasabi kong mother figure siya kahit ngayon lang kami nagkakilala. Iyon ang nararamdaman ko sa kanya. Besides, isa lang ang mommy ko. Wala man siya dito ngayon, hinding hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sinong ina. My mom will always be the best mother in the world for me.

"Good night iha."

Binitiwan niya na ang kamay ko saka tumalikod na. Maybe, just maybe, humanity will always prevail. Mabilis kong hinawakan ang braso niya upang pigilan siya sa pagtangkang pag-alis. Napalingon naman siya agad at halatang nagulat sa ginawa ko. Agad akong napabitaw. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa batok ko at gumapang papunta sa pisngi ko and I know para na akong kamatis sa pagkapula.

Hiding The Mafia's SonWhere stories live. Discover now