Chapter 10

8.2K 161 7
                                    

"Elaina!" boses ni Xyjansy ang agad kong narinig nang magising ako.

Hindi pa malinaw sa paningin ko ang paligid pero agad nang nabasag ang eardrums ko dahil sa kanya. She's always the loudest among the three of us. I just smiled at her but Theia playfully smacked her in the head.

"Freaking inconsiderate bitch. Aren't you?" tinulak niya pa si Xy para maagaw niya ang pwesto nito at mas mapalapit siya sa akin. Napasimangot naman ang huli at umamba ng suntok na ginantihan niya naman ng ambang sampal.

Tatawa na sana ako sa kakulitan nilang dalawa nang biglang kumirot ang ulo ko kaya't bahagya ko iyong kinapa. May benda ang parte kung saan ako tinamaan ng may kalakihang bato.

I hope hindi malalim ang sugat.

Medyo may kalakasan kasi ang pagtama nun kaya mas mabilis akong nahilo. Dagdagan pa na masama na talaga ang pakiramdam umaga pa lang.

Sana hindi iyon kasing lalim ng sugat sa puso ko na hindi pa rin naghihilom kahit sa paglipas ng panahon. Ang sugat na pinakamasakit sa lahat ng matatamong sugat nino man na hindi nakikita kundi nararamdaman lang. Ang sugat na walang makina o kahit ano pang medical equipment ang makakagamot. Ang sugat na hindi kayang hilumin ng iba kundi ng sarili mo lang. Sugat na maghihilom lamang kung handa ka nang bitawan ang nakaraan. Ang sugat na maghihilom kung matututunan mong patawarin at tanggapin kung sino ka matapos ang pagsubok ng buhay.

I am trying my best not to forget but to heal myself though. So much. Maybe not now but someday, the wound will heal. I can learn how to forgive. I can learn how to accept myself. I can learn how to love my scars.

Nginitian ako ni Thea at tinalikuran lang si Xy na nanatiling mahaba ang nguso. Nginitian ko siya pabalik.

Malaking pasasalamat ko talaga na nandito silang dalawa ngayon. Wala si Manang at pakiramdam ko matatagalan pa 'yun sa pag-uwi. Alam kong sinasadya niya para bigyan kami ng oras ni Zykiel. Oras na hindi ko alam kung para saan at oras na alam kong hindi ko naman kailangan.

Kung wala siguro silang dalawa, hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko. Hindi ko alam kung kanino ako kakapit. Kung wala sila siguradong wala akong maaasahan. Siguradong wala akong malalapitan kapag nangangailangan ako ng masasandalan. Walang magugulo at makukulit na mga babaeng baliw pero nagpapasaya naman sa akin sa lahat ng oras.

"How are you feeling?" Theia asked cautiously as if I will be hurt if she will do so.

"Sus! Bait-baitan. Plastic talaga" bubulong-bulong ni Xy habang naglalakad papunta sa kabilang gilid ng kama ko since tinulak siya ni Theia para palitan siya sa pwesto niya kanina.

Mas lumapad lang ang ngiti ko dahil sa pagkachildish niya. Pero kapag si Xy nasaktan lalo na kung dahil kay Steve, mawawala ang pagiging childish niya. Parang nagiging ibang tao siya dahil hindi siya makikilala sa sobrang kaseryosohan at kalamigan.

Ganun naman siguro lahat. Nagbabago kapag nasasaktan. Diba?

"I'm fine" sagot ko kay sa kanya.

Maliban sa nanghihina at bahagyang kumikirot ang ulo ay wala na akong ibang iniindang sakit. Tumango lang siya pero pinag-aaralan niya pa rin akong mabuti para makasigurado. Mahigpit niyang sinusuri ang kabuuan ko.

Si Theia ang mother type sa aming tatlo. Siya ang laging seryoso masyado pagdating sa responsibilidad. Kami rin naman ni Xy seryoso ss mga responsibilidad namin pero iba lang talaga siya. She is somehow uptight.

Napangiti ako sa takbo ng iniisip. Kung nababasa lang siguro ni Theia ang laman ng utak ko ay siguradong uusok na naman ang ilong niya. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag na uptight dahil hindi raw siya ganun. Alam niya namang tama kami pero indenial lang talaga siya.

Hiding The Mafia's SonWhere stories live. Discover now