CHAPTER 1

30.8K 496 71
                                    

"Hoy!" napatalon ako ng bahagya nang bigla siyang sumigaw

Magkatabi lang kami at ang lapit lapit niya sa'kin, kaya parang sasabog ang eardrums ko sa lakas ng sigaw niya. Lalaki ba talaga 'to? Pasalamat siya love ko siya, kung hindi sinipa ko na siya palabas ng simbahan.

"Ano ba'ng problema mo?!" I hissed.

Kasalanan ko bang nagde-daydream ako ng future naming dalawa na magkasama hanggang sa pagtanda? 'Yong tipong magbabago man ang lahat ng bagay sa mundo, alam kong kahit kailan hindi ako mag-iisa. Hindi dapat ako matakot kahit ano pa ang maaaring mangyari sa hinaharap. Because we always got each other's back.

"Kanina pa kasi ako nagpapaliwanag sa'yo tapos 'di ka naman pala nakikinig! Para kang tangang nakangiti sa kung saan diyan! Nandiyan crush mo noh?!" 

Mahabang litanya nito sabay silip sa kung saan ako nakatingin kanina. 'Yong tipong nginudngod niya sa mukha ko ang likod ng ulo niya kaya mas lalo akong nairitaUmatras ako at tinadyakan siya sa paa. Crush ka diyan. Nandiyan naman talaga ang crush ko. Manhid nga lang.

"Aray! Masakit yun ah!" Daing niya habang tumatalon-talon nang bahagya dahil sa sakit. 

Nag-alala naman ako kaagad. Baka masyadong napalakas ang pagsipa ko! Pero nakapagpasya rin akong hayaan na lang. Baka kasi masyado na akong halatang may gusto sa kanya.

"Tapusin na nga natin 'to. Siguradong hinahanap na tayo sa bahay! Dami mo kasing alam," inirapan ko siya at hinaplos-haplos ang kalapating hawak.

Kulay puti rin iyon katulad ng hawak ni Teptep. Gaya ng sinabi ko, nandito kami sa simbahan. Nasa isang kwarto kami na tama lang ang laki kung saan nilalagay ang tatlong kalapati na inaalagaan ni Father Bernal. Pero ngayon hawak namin ang dalawa. Iyon daw ang magiging saksi sa gagawin naming sumpaan ni Teptep.

Ewan ko ba sa kanya kung bakit niya naisipang gawin 'to. Biglaan na lang ang pagpunta niya sa bahay kanina. Doon dumaan sa malaking dog house sa likod ng kusina para hindi mahuli ng mga katulong. May sikretong daanan kami roon. Ang pader ng kusina ay may butas sa ibaba na tinabunan lang noon ng kahoy. Pero pinaayos ko 'yon kay Mang Edgar. Pinagawan ko ng pintuan tapos sa likod nilagay ang bahay ng alaga kong aso na si Nyx para takpan. Sa loob naman ng bahay ay nilagyan ko ng maliit na cabinet para kapag lumusot kami ay diretso sa loob ng cabinet. Sinabi ko na lang na lalagyan ko ng mga laruan ko. As an only child, of course I am spoiled. But that does not mean I am a brat.

Well, gusto ko rin naman ang plano niya kaya aarte pa ba ako?

Napakamot siya sa ulo at umayos na ng tayo. Lumakas naman ang kabog ng puso ko hindi dahil sa kaba kung hindi dahil sa excitement.

Ikaw ba naman ang ikakasal sa crush mo? Tingnan natin kung 'di ka mangisay sa kilig.

"Vows na agad tayo tapos paliparin na natin ang mga kalapati. Dapat sabay!"

Hiding The Mafia's SonWhere stories live. Discover now