Chapter 26

4K 115 2
                                    

Pagkahinto na pagkahinto ng kotseng kinalululanan namin ay agad kong binuksan ang pinto at nagmamadaling bumaba. Sumalubong sa pagbaba ko ang hindi kalakihang bahay ngunit makikitaan pa rin ng karangyaan. It has a touch of spanish style that made the house feel nostalgic. Walang pagdadalawang isip na binagtas ko ang daan upang pumasok. Hindi rin naman nagtagal ay naramdaman ko ang presensya ni Zykiel sa aking likuran.

"3rd room at the left side, when you reached the top stair," pagbibigay impormasyon niya. Hindi na ako sumagot pa at agad na tinahak ang daan sa direksyong kanyang binigay.

Mas binilisan ko ang paglalakad. I must know if my son is still alive and kicking– I hope he is. Hindi ko alam kung paano ako magrereact 'pag may nangyaring masama sa kanya.

Nang marating ko ang dulo ng hagdan ay nagsanga ang hallway. Pinili ko ang kaliwa saka doon lumiko at huminto sa ikatlong pinto. Gaya ng sinabi niya. Sa nanginginig na kamay ay binuksan ko ang pinto.

"Mom," mahinang sambit ni Aki nang tuluyan akong makapasok.

He was sitting on a bed, facing the door. May bandage sa kanang pisngi niya ngunit nagawa niya pa ring ngumiti nang makita ako. Piping sinasabi na hindi na dapat akong mag-alala pa dahil ayos lang siya.

Always the strong little Zykiel.

Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha. Nanginginig ang mga labi. Parang ngayon ko lang lubos na nadama ang takot, kaba at pangamba. Labis ang paghalo-halo ng emosyon ko. Inilang hakbang ko ang distansya naming dalawa at niyakap ang anak ko ng sobrang higpit.

Thank God. You're so good.

"Baby! You scared me. You scared your mom," umiiyak kong sabi at hindi pa rin siya binibitawan sa pagkakayakap. Alam ko ring ramdam niya ang panginginig ko.

"Sorry, mom. But I'm fine. Really," niyakap niya ako pabalik na dahilan para mas lalo akong manginig dulot ng matinding emosyon.

Who would know if it was my son's end? It was the end for the three of us? No one. Walang kahit na sino ang nakakaalam kung kailan ang kanilang kamatayan. Maaaring ngayon, sa susunod na mga segundo at oras. Baka naman bukas o sa susunod na linggo. No one knows when is his doom.

Ang pagsabog na 'yon could be our end if it is really our time to die.The moment the explosion happened could be the most devastating moment for me. It could be the worst in my life.

Sa mapait na pinagdaanan ko, kahit minsan ay hindi ko naisip na tapusin ang buhay ko. Pero kung sakaling nawala sa akin ang anak ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari kanina? Sigurado akong hihilingin kong mamatay na lang din.

Hindi ko kakayanin. Hindi ko kaya.

"Don't scare me like that please baby. Please don't,"

"Never again, mom,"

Naramdaman kong hinagod ni Zykiel ang likod ko. Maya-maya pa ay inalalayan niya akong umupo ng maayos sa kama. Katabi ni Aki.

"Water?" He asked.

"No need, I'm fine. I was just worried for our son."

"Sorry again mom," I smiled at him and caressed his hair.

Napabuntong hininga si Zykiel. "Kung may dapat mang humingi ng tawad, ako iyon. Kung hindi dahil sa'kin, hindi sana mangyayari ang mga naganap,"

Kitang kita ko ang lungkot, pagsisisi at galit sa mga mata niya. He is suffering from within. That hits differently. Nalasahan ko agad ang simpatya para sa kanya.

Nanikip ang dibdib ko nang makitang nasasaktan siya. Kung dati ay nagtataka ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko, ngayon naman ay napangiti na lang ako ng may halong kaunting pait.

Kaya pala nasasaktan ako kapag nakikita siyang nasasaktan at nahihirapan. 'Yon ay dahil minahal ko siya. Mahal ko siya. Mahal ko pa rin siya. Nananatiling isa ang puso naming dalawa.

Tinapik ko ang espasyo sa tabi ko na agad niya namang naintindihan. Kumilos ang kanyang mga paa at umupo sa tabi ko.

Sinapo ko ang pisngi niya saka siya pinakatitigang mabuti.

"It's neither the three of us'  fault. I'm sorry to tell you this but it is your MOM and DAD's fault. Kung hindi sana sila tanga at ganun ka-gahaman sa public appreciation edi sana iba ang nangyari. Iba ang naging buhay mo. Hindi ito ang naging buhay natin,"

"But don't you think what they've done contributed a lot to our lives now? Like giving our son to us?"

Napatahimik ako bigla dahil sa sinabi niya at napaisip.

Kung sabagay. Kung hindi dahil sa ginawa nila ay hindi mabubuo ang clone ni Zykiel na naging gahaman sa kayamanan. Kung hindi dahil sa inggit niya ay hindi niya ako pupuntiryahin. Kung hindi niya ako pinuntirya hindi magsasakripisyo si Zykiel para protektahan ako na naging sanhi para mabuo si Aki.

Ang anak namin.

"P-pwede namang magkaroon tayo ng anak sa mapayapang paraan?" I answered as if I am not sure.

He chuckled. "We can. But how sure are we that it is still Aki? You know what I mean, Elaina."

Namula ang pisngi ko at hindi na ginatungan pa ang sinabi niya. Tumingin ako kay Aki. Tama siya. Pwedeng ibang anak ang mabuo namin.

Napangiti ako at hinapit silang dalawa upang yakapin.

"Our first family hug," lumuluhang sambit ko.

Hindi dahil malungkot o nasasaktan ako kundi dahil masayang masayang masaya ako.

"I love you," bulong ni Zykiel sa aking tenga na ikinangiti ko.

"I heard that," biglang sabat naman ng anak namin. "I love mom too," napatawa ako sa tinuran ni Aki..

"I love the both of you. Don't be jealous young man," pabirong sagot naman ni Zykiel sa anak na ikinasimangot ng huli.

"Of course I'm not," our son answered.

"Stop, you two," saway ko sa dalawa dahil pareho nang nagsasalpukan ang mga kilay nila.

Hinarap ko si Zykiel. "I love you,"

Binalingan ko naman si Aki. "I love you too. I love the both of you, okay?"

"And we love you too," sabay naman nilang sagot at muli akong niyakap ng mahigpit na siyang ikinataba ng puso ko.

I'm lucky to have these two man beside me. How lucky could I be, huh? Inggit ka? Pft.

Unang kumalas si Aki. Nagpaalam na bababa upang pumunta sa kusina dahil naghanap bigla ng chuckie.

Tumango lang ako at nginitian siya. After that traumatizing event, he deserve a lot of chuckie.

Tanaw ko ang nilabasang pintuan ng anak namin nang biglang hinawakan ni Zykiel ang baba ko at iniharap sa kanya. Ginawaran niya ako ng masuyong halik sa labi. Agad namang nagsiliparan ang mga paru-parong hindi ko inakalang nasa loob pala ng tiyan ko. Para akong kinikiliti. Para akong nakalutang dahil sa paraan ng kanyang paghalik. Magaan at malambing.

"We'll fight together? Tanong niya nang kumalas.

Ang mga mata ay nagpapahiwatig na umaasa siya. Napangiti ako at kinintilan ng magaang halik ang tungki ng kanyang ilong.

"Of course we will,"

Ngayon pa ba? When it feels like everything is falling into it's right places in the middle of this chaotic nonsense battle?

*****

I think this is my shortest update. Sorry. Anyways,

         CONGRATULATIONS COMPLETERS. GOOD LUCK TO THE NEXT LEVEL. YOU DID IT, YOU CAN DO IT THIS TIME TOO.

           
–Pres

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon