Chapter 11

6.5K 157 5
                                    

I AM pissed.

No.

I am furious. I want to tug his hair and bang his head in the wall of this VIP hospital room he got for me. So hard that he will forget about me and Aki. Siguro sa ganoong paraan hindi niya na kami magugulo.

But I also know that I can't do that. At kung sana ganoon lang kasimple ang lahat ng bagay. Kung hindi nga lang ako galit ay hindi ko siya matititigan ng diretso sa mga mata.

"What the hell were you thinking? They are my friends! They care for me so much pero bigla ka na lang pumasok at inanunsyo ang kahayupan mo nang ganun lang! Ano bang tumatakbo diyan sa utak mo ha? Ano ba talagang gusto mo?! Kasi sa totoo lang nakakasakal ang frustration na nararamdaman ko. Nasasakal ako sa presensya mo!"

Mas marami pa ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko na nakikiusap na maisatinig pero sa sobrang inis na nararamdaman ay yun lang ang nakayanan ko na may nanginginig na mga kamay at kalamnan.

"It's the truth. You want me to lie then?"

Every time he will open his mouth it makes me mad even more. Walang lumalabas na matino sa bibig niya kapag kinakausap niya ako na mas lalong nakakagigil sa galit. The madness I am feeling is driving me insane that I want to kill him. Pero hindi ko rin gugustuhing madungisan ng dugo niya ang mga palad ko. At mas lalong hindi ako kriminal.

Is he though?

May napatay na ba siya?

Ipinilig ko ang ulo. Why would I even care? If he did kill someone, then what?

He's just staring at me and I shudder under it unwillingly.

"Of course not! Pero dapat hindi mo rin sinabi sa ganoong paraan. Sana mas maayos! How would they deal with it now? You dropped a bomb like it won't hurt anyone!"

Sa totoo lang hindi ko rin naman alam kung sa anong paraan ko rin dapat sabihin sa kanila. Kung hindi niya ginawa ang pagkawalang modo niyang pagbabalita ng kahayupan niya kanina, sa tingin ko hindi ko rin masasabi sa mga kaibigan ko ang parte ng buhay kong 'yon. Maybe it will stay as a dark secret.

Sa tagal ng pagkakaibigan namin ay 'yon lang ang tanging bagay na hindi ko masabi sabi sa kanila dahil hindi madaling i-disclose. It is my secret. And I tend to keep it that way. But the bastard ruined it. As always.

"You will be discharged tonight that's why I am here. I'm picking you up."

Hindi ko siya sinagot. Sinalubong ng madidilim niyang titig ang nag-iinit kong tingin sa galit. Simula nang nakilala ko siya nagiging makasalanan na ang laman ng utak ko. Wala akong ibang naiisip kundi karahasan. It's either hating him and wanting him to just vanish in my life or plotting his painful death. Gusto kong pilipitin ang leeg niya hanggang sa maging violet na ang mukha niya at pumutok lahat ng ugat niya.

Geez. Kailangan ko nang magkumpisal. Kung kinakailangan kong maligo ng holy water ay gagawin ko. Ayokong magkita ulit kami sa after life. Ayaw kong mapunta sa isang lugar na siya lang din naman ang makakasama ko.

We already had enough worst encounters in this world. I can't meet him in hell too. Just no way!

I gave him my cold treatment. Hindi ko siya pinansin kahit nang pumasok ang nurse at doktor para sa pagtanggal ng mga nakakabit sa'kin kanina at para sa huling habilin.
Tahimik lang ako hanggang sa makalabas kami ng hospital. Ganun din naman siya habang naghihintay nung nag-ayos muna ako ng sarili sa CR na nasa loob din mismo ng kwarto.

Kailangan ko pa nga pala siyang bayaran para sa pagkuha ng private room. Siguradong mahal 'yon.
Kainis! Balak ko pa naman sanang mag-ipon para sana sa nalalapit na birthday ni Aki. Okay lang naman sa akin kung hindi sosyaling kwarto lalo na't hindi naman ako nagtagal.

Hiding The Mafia's SonWhere stories live. Discover now