Chapter 28

3.4K 98 3
                                    

"Tita Shirra," bulong ko.

Nagsimulang pumatak ang ulan. Kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit.

The woman standing right before me is the same woman who made us live our lives like rats. Tumatakbo. Nagtatago. Naghahanap ng lungga.

Ngumisi siya at bumaling sa anak kong nakasimangot pa rin sa aking likuran.

May isang lalaki naman mula sa kanyang tabi ang nagbukas ng payong upang protektahan siya mula sa pagkakabasa.

"Is he my grandson? Aww, so handsome. Aren't you little guy?" She said in a taunting tone.

"I'm not little, old woman," my son answered.

Bahagya kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

Tumawa si Tita Shirra na parang tuwang tuwa. "Brave. I like that. But young man, that's not how you talk to your grandma,"

Biglang naging seryoso ang kanyang ekspresyon at tumalim ang mga mata. "Take the kid,"

Agad namang kumilos ang ilan sa mga tauhan niya at lumapit sa aming direksyon.

"No! Wag niyong gagalawin ang anak ko! Magkakamatayan muna tayo bago niyo siya makukuha sa'kin,"

Ngumisi si Tita Shirra sa akin na para bang isang malaking kahibangan ang sinabi ko.

"As you wish," she looked over her shoulder and her men attacked us without hesitation.

This woman. Kahit buhay ang kapalit basta makuha lang ang kanyang gusto. I never expected her to be like this.

Niyakap ko si Aki habang pilit naman kaming pinoprotektahan nina George. Napapikit ako nang napaigik si George dahil sinuntok siya sa tiyan gamit ang isang bakal na nakasuot sa kamay ng tauhan ni Tita Shirra.

"Just give me the kid Elaina. Nang mapadali ang lahat ng ito,"

Matalim ko siyang tiningnan. Kung dati ay hinahangaan ko siya at nagpapasalamat ako ng lubos dahil naging pangalawa ko siyang ina, ngayon ay pagkasuklam na lang ang tangi kong nararamdaman para sa kanya.

"He is not just a kid. Anak ko siya at hinding hindi ko siya ipapamigay sa kahit na sino. Hindi ako katulad mo na mas inuna pa ang imahe kesa magpakaina sa sarili niyang anak. Heck, can you even call yourself a mother? Lemme tell you Tita. Nagluwal ka lang pero hindi ka isang tunay na ina!"

Tumalim ang mga mata niya at napakuyom ang kamao. "You know nothing,"

Napatawa ako ng pagak.. "Yeah? Gaya ng kung paano ka nagpakaina sa akin noon kesa kay Zykiel? Kung paanong tinalikuran at inabanduna mo siya para sa sarili mong kaligayahan? Sa sarili mong luho? Gaya ng pagpili mong saktan ang sarili mong anak para sambahin ka ng iba!?"

Hindi ko na kontrolado ang sarili kong bibig. Halos magpuyos ang dibdib ko sa halo halong emosyon kaya't kusang lumabas ang mga salitang 'yon na dahilan upang magalit ng husto si Tita Shirra.

"Kill her!"

Nanggagalaiti niyang sigaw sa mga tauhan niya kaya sumugod na rin ang iba pa. Magaling sina George pero magaling din ang mga tauhan ni Tita kaya dehado ang panig namin. Dagdagan pang mas marami ang bilang nila.

"Huwad kang ina Tita Shirra! Huwad ka!" I shouted at the top of my lungs in the middle of the heavy pouring rain.

Ang bigat ng patak ng ulan ay tutumbas sa bigat na nakadagan sa dibdib ko ngayon. Pinaghalong galit, lungkot, sakit at panghihinayang.

Napasigaw ako nang may humablot sa buhok ko mula sa likuran. It is one of her men.

"Huwad na kung huwad pero hinding hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang lahat ng mga pinaghirapan ko! Kung si Zykiel ang hihila sa akin pababa buburahin ko siya sa landas ko at isasama kita!"

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon