Chapter 38

2.7K 67 13
                                    

Life has been hard to me. And I shouldn't be hard to myself because I've been doing my best in continuing on despite the fact that I was barely surviving from the trauma day by day.

If other people can't appreciate my best without even knowing my story or without asking how has it been, I am giving myself a little more credit I deserve.

"Run baby, run!"

Sigaw ko kay Aki habang mas binilisan pa ang pagtakbo paikot at tinatapakan ang bawat madadaanang maliliit na butas. Nakasunod naman ito sa akin.

"Ikot pa! Malayo pa 'yan!"

Muli kong dagdag nang makaabot ako sa home at nakitang saglit siyang tumigil para tingnan kung nasaan na si George. Ito ang kukuha sa tsinelas na kanina'y kanyang sinipa bago tumakbo. Nang makitang malayo pa nga ang kanyang butler ay muli siyang tumakbo paikot at tinatapakan din ang mga dinaanan kong maliliit na butas.

"Madáme, I hate slipper game! I don't know how to kick. This is unfair!" Sigaw ni George habang kinukuha ang tsinelas na sumabit sa sanga ng bayabas.

"Make it fast, you idiot!" Sigaw naman  ni Greg pabalik sa kanya habang seryosong nakatingin kay Aki. Nagsmirk lang sa kanya ang anak ko sabay tuwad sa direksyon niya at tinapik ang pwet bago nagpatuloy sa pagtakbo.

"Homeeee!" Sabay naming sigaw ni Aki at nag-apir pa sa isa't isa nang makarating siya sa kinatatayuan ko.

Ang lapad ng ngiti naming dalawa dahil sa saya.

Nagtaka naman ako nang biglang yumuko si Greg at tumagal ito sa ganoong posisyon nang mga ilang segundo. Nag-alala ako kaya tinanong ko ito.

"Ayos ka lang ba Greg? May bigla bang sumakit sa'yo? May problema ba?"

Hindi niya ako pinansin dahilan para mas lalo akong magtaka at mag-alala. Lalo ring kumunot ang noo ni Aki habang nakatingin sa kanya.

Umangat ang mukha nito at tuwid na tumayo habang nag-iigting ang panga. Sinalubong nito si George na noo'y nagkakamot ng ulo habang pabalik na sa aming kinaroroonan.  Ganun na lang ang gulat ko nang biglang tumama ang kamao ni Greg sa panga ni George na siyang ikinatumba ng huli. Saglit namang nagulat si George sa ginawa nito at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

Mabilis din naman siyang nakabawi at tumayo sa harap ni Greg na hindi pa rin natatanggal ang nakakamatay nitong titig sa kanya at mahigpit pa ring nakakuyom ang mga kamao nito na nakalagay sa tagiliran. Ngunit mas nagulat ako sa ginawa ni George.

Namimilog ang mga matang nakatingin ako sa dalawa nang isinampal ni George ng ubod lakas ang bitbit na tsinelas sa pisngi ni Greg. Dahilan para mas lalong mainis ang huli.

Bago pa man sila magsuntukang dalawa ay pumagitna na ako. Mukhang itutuloy na ni Greg ang pagpatay kay George dahil sa ginawa nito.

"What the f*ck are you? Gay?" Greg asked.

"What's wrong with you? Pinasukan ba ng hangin ang utak mo at bigla ka na lang nananapak? It's just a game for the slipper's sake! Asar talo!"

Natakot ako nang umakmang susugurin ni Greg si George. Kapag tuluyang nagsabong ang dalawa ay maiipit lang ako sa gitna. Pihadong mas malalakas ang mga ito kumpara sa lakas ko.

"That's enough, you two. Ikaw Aki, maghugas ka na ng kamay," saad ko.

Ngingisi-ngising pumasok si Aki sa loob ng kubo na tila ba nasisiyahan pa sa nangyayari. Ang dalawa naman ay nagtatagisan ng nakakamatay na tingin.

"Kung hindi ka sana reklamo nang reklamo edi sana hindi tayo natalo!"

"Greg naman! Sinabi ko nang ayaw ko sa slipper game! Sana naglaro ka na lang mag-isa para masaya diba!"

Hiding The Mafia's SonWhere stories live. Discover now