Chapter 14

5.6K 149 32
                                    

BUGATI Chirron?

Seriously? Sa lahat ng pwedeng iregalo, sasakyan pa talaga?

Nilingon ko si Aki na nakalapit na sa sasakyan at sinisipat iyong maigi. Hindi maikakaila ang excitement at tuwa. Aaminin kong minsan ko lang makita ang ganyan niyang mga ngiti pero sobra pa rin ito. Muli kong binalingan si Zykiel at hinila siya sa pinakagilid kung saan medyo malayo kay Aki. Yung hindi kami maririnig.

"Hindi yan kailangan ng anak ko. 9 lang-- I mean, he just turned 10"

"MY son is happy and it is what that matter the most," bumuntong hininga siya at tiningnan ako sa mata. "You want him happy so do I. So just let me do it on my own ways. It's not that too much to ask right? He's MY son too,"

Sasagot na sana ako nang biglang magring ang cellphone niya. Sinulyapan niya ako saglit bago sinagot ang tawag. Hindi siya nagsalita. Nakikinig lamang sa kung ano man ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Maya-maya pa ay biglang nangunot ang kanyang noo. Halos magdugtong ang kanyang mga kilay na para bang hindi natutuwa sa ibinabalita ng kung sino mang kausap niya sa cellphone.

Bahagya pa akong napakislot nang biglang natuon sa akin ang nag-aapoy niyang mga mata habang umiigting ang kaniyang panga. It is too intense that all I could do is to look away or else I might melt.

Melt? Seriously? Too cringe for a term. Hindi ko na lang pinansin pa ang maliit na boses na iyon. She's always here whenever her opinion is not needed anyway.

Ang intense masyado ng mga titig niya. Lagi kang parang inuusig. Parang lagi kang may kasalanan sa kanya dahil sa paraan ng kanyang pagtitig.

"Fuck!"

Napalingon ako sa kanya nang marinig siyang nagmura. Aangal pa sana ako dahil hindi ko iyon nagustuhan pero bigla niya akong hinila sa kamay. Nang dahil nakita kong seryoso masyado ang kanyang ekspresyon ay napatahimik ako. Hindi na nagprotesta pa. Baka masapak pa ako nito. Ipinasok niya ako sa sasakyang iniregalo niya kay Aki at ganun din ang ginawa niya sa anak na ngayo'y magkasalubong na rin ang kilay. Sa passenger seat ako samantalang sa likod naman nakaupo si Aki. Mariing sinusundan ang biglang kakaibang kilos ng kanyang ama.

Napabuntong hininga ako. Kung titingnan ang dalawa ngayon ay para silang magkambal. I mean, Aki is his younger version. Napailing-iling na lang ako sa iniisip at tatanungin na sana siya kung ano ang nangyayari. Sa inaakto niya kasi ay parang may emergency. Pinapaandar niya na ngayon ang makina ng sasakyan at minaniobra ang manibela. Ngunit bago pa man ako makapagtanong ay napasigaw ako dahil may malakas na sumabog. Napapikit pa ako dahil ang lakas ng impak nun na pakiramdam ko ay mabibingi ako. Ganun na rin ang pamimilog ng mga mata ko nang sa pagdilat ay napagtanto kong ang bahay ko pala ang sumabog.

Magkahiwalay kasi ang garage sa mismong bahay. May nagkokonekta lang na pathway mula sa mismong bahay papuntang garage at may bubong pa rin para hindi mabasa kung sakaling umuulan at kailangang bagtasin ang distansya ng bahay at ng sasakyan. Bababa na sana ako nang biglang ni-lock ni Zykiel ang pinto at mabilis na kinabig ang manibela.

"What are you doing!? Stop the car! I need to go to my house!"

Hindi niya ako pinansin at pinaharurot lang ang sasakyan.

"Hindi mo ba ako naririnig?! Sabi ko ihinto mo! Tatawag ako ng pulis!"   

Pero nagmamatigas pa rin siya at nanatiling walang imik habang mas lalong pinabilis ang takbo ng sasakyan. Naiinis akong nagpapadyak dahil sa inis at napaluha. Bahay ko iyon. Pinaghirapan ko 'yon. Dream house ko 'yon.

Napahikbi ako nang makarinig na naman ng muling pagsabog at umuga pa ang lupa. Sigurado akong sa bahay rin 'yon na tinutupok na siguro ng apoy ngayon. Napakagat labi ako sa prustrasyon at nilingon si Aki sa likod na blangko lang ang mukha habang diretso ang tingin sa harapan.

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon