6th Paper

2.9K 81 4
                                    

6th Paper

Oo

"Akalain mong makaka ninety-five tayo sa final defense! Hindi naman nalugi ang tenga natin sa karirinig ng sermon ng panel kada makakasalubong." Malaki ang ngiti ni bff habang inililipat-lipat ang pages ng for-revising thesis papers namin.

"Congratulations to the last participants of the new Hunger Games called Final Defense!" Malakas na sigaw ni Ten mula sa pintuang pinanggalingan niya kasama si Aria at Mae.

"At dahil diyan, magre-rehearse na kayo para sa Graduation Ball!" Sabi pa ni Aria.

"Not me. Kailangan ni Nathan ang tulong ko for the decorations sa venue so I'm out of the practice." Sagot ni Elaine.

Kung tutuusin late na kami sa rehearsal. Ang grupo namin ang huling nagkaroon ng progress sa feasibility research namin kaya pinagbigyan kami ni Ray at Lyn na huwag munang sumali sa practice. Batchmates naman namin sila kaya hindi naging mahirap humingi ng pabor. Pero ngayong tapos na ang excuse ko para makatakas sa rehearsal ay talaga naman!

"Oy, Yron! Ihabol mo 'yan kay Sir Tia, hindi iyang nilalantakan mo." Suway ni Elaine sa kagrupo naming si Yron na kinakain na ang Carbonara na ibinigay namin sa panel. Naiwan siguro iyon ni sir dahil sa pagmamadali niyang makaalis dahil may klase pa siya. "Iwan mo sa faculty. Paniguradong nando'n naman si Sir Domingo."

Nakita ko naman si Mateo na tatawa tawa lang sa gilid kaya't minatahan ko. "Oy Mateo, samahan mo!"

"Oo nga, nang makapag-rehearse na itong dalawa. Kayo na rin ang mag-lock at mag-ayos dito sa AVR. Gogora na us." Kinuha ni Mae ang thesis papers namin at lumabas na.

Alam kong gusto lang nilang makasama na kami sa practice para hindi lang sila ang mahirapan. Nako, nako. Paano ako sasayaw eh wala naman akong partner. Sa batch namin ay mas marami kaming babae. Kung pwede nga lang ba na yung steps na lang ng lalaki ang aralin ko eh.

"'Yung mga girls na natitirang walang partner ay sa third batch sasayaw. Hanap na lang kayo ng pwedeng sumayaw ulit para sa inyo." Saktong paga-announce ni Lyn nang makarating kami sa lugar kung saan nagre-rehearse.

Naisip kong lumapit sa mga kaklase ko para makumbinsi ang sinuman sa kanila para mag-sayaw sa akin. Naisip kong unahin si Matthew dahil sigurado naman akong papayag 'yon.

"Alam ko na kung bakit ka nasa harapan ko ngayon." Paarteng masungit niyang sabi. Humalukipkip pa siya at pumikit tsaka itinaas ang kanyang baba.

"Nasa gilid mo pa nga."

"Eh gano'n na rin 'yoooon! O, bakit ka nga nandito? Magpapasayaw ka rin ba sa'kin, ha? Mga user!" Madrama niyang sabi.

Tinaasan ko ng kilay ang drama ng isang 'to. Nakita ko sina Aria na mukhang tinatawanan ang pakikipagusap ko kay Matthew.

"Oo. Isayaw mo ako please." Wala na akong ibang maisip na kayang makipagsayaw sa akin. Nakita ko kasi ang steps, may pabuhat buhat iyon. "Kinakabahan lang naman ako sa katawan nina Lawrence for example. Baka mabalian sila. Ikaw okay lang naman."

"Papayag na sana ako eh, bumanat ka pa." 

Alam kong payag na talaga si Matthew at sasabihin na niya ang confirmation niya na naudlot dahil sa pagdating ni Mae. May pasigaw sigaw pa kasing nalalaman kaya natahimik na lang kami ni Matthew.

"Jesca sa hubby mo ikaw makipag-partner!" Tumawa siyang malakas. Gusto kong pasakan ng bulak ang bibig niya dahil sa lakas ng pagkakasabi niya noon. "Balita ko ay magli-live in na kayo pagkagraduate ng high school ah?"

Kung mahina niyang sinabi iyon ay sasakyan ko pa ang sinabi niyang pagli-live in namin ni Drian, pero dahil sa lakas noon ay hindi na ako makausap. Rinig na rinig ang sinabi ni Mae ng mga fourth year na malapit sa amin.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon