18 - Yung babaeng mukhang palitaw na pinagpalit niya kay Corr.

474 10 5
                                    

ZEDXXX: Okay! I lied! Eto pala yung last flashback from CVM =)))) Sabi sainyo eh, wag kayong nagpapaniwala sakin HAHAHAHA.

As always, comment, vote and share!

Please if may suggestions kayo sa story, lemme know. I'm open with new ideas and all. And if may hindi kayo gusto sa way of writing ko. Please tell me rin ;) Thank you! :)

18 – Yung babaeng mukhang palitaw na pinagpalit niya kay Corr.

Flashback 

Presbi is true to his words. Pag may sinabi siya, ginagawa niya, pinapangatawan niya.

"FUCK YOU MIGUEL! SINASABI KO TALAGA SAYO! HINDI LANG 'TO AABUTIN MO! HINDI KO 'TO BASTA BASTA PAPALAGPASIN!"

And yes, hindi niya ‘to pinalagpas...

PRESBI

Dismissal ng lapitan ko na si Corr. Kanina ko pa kasi napapansin yung pagiging tahimik niya. Kanina ko pa din siya gusto lapitan pero pinigilan ako ni Steve. Hayaan mo muna siya. He told me, so I did. Sya ang kakambal kaya alam niya ang  dapat gawin, di ba?

Pero di ko na natiis, kaya pagkabell na pagka bell pa lang ay nilapitan ko na agad siya. Nagkunwari pa akong inaayos yung gamit ko habang lumalapit sa kaniya, para di masyadong halata.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko nang mapansin kong namumula yung mga mata niya. Umiyak na naman ba siya? Hay.

“Corr, ayus ka lang ba?" I asked really worried.

Tumingin lang siya sakin… Mga 5 seconds. Punong punong puno yung mata niya ng galit… puot at lungkot.

Pero wala siyang sinabi kahit ano.  Instead nagpatuloy lang siya sa paglalagay ng mga notebooks sa bag niya, ni walang isang salita na sinagot sakin. Then naglakad na siya papuntang pintuan.

“Corr!” I called, pero hindi siya huminto at nagmadali lang sa paglalakad.

Habang ako, eto at parang aso na hahabol habol sa kaniya.

Sinundan ko lang siya, mga ilang hakbang lang ang layo ko sa kaniya, ayaw ko muna siyang guluhin o ano. Basta susundan ko lang siya, just to be sure she’s safe at hindi na naman tatakbo kung saan.

Habang nakasunod ako kay Corr at naglalakad sa corridor, hindi ko mapigilan na marinig ang mga bulong-bulungan ng mga schoolmates namin habang nilalagpasan sila ni Corr.

"Nakakahiya siya." Bulong nung isang babae sa kanan ko.

"Oo. Biruin mo nasa newspaper na siya. Ganyan pa inaasal niya." Sagot naman nung isa habang may hawak na school paper sa kamay.

Newspaper? What newspaper? I thought nang lingunin ko yung dalawang nagbubulungan. Napatigil naman sila at agad nagtakip ng mukha gamit yung school paper.

Dun ako napatigil, nang matitigan ko yung headline sa hawak hawak niya,

Campus hottie Migs Arellano DUMPED our campus sweet heart Corr Benitez! It says.

What the fuck? Anong kalokohan 'to?!

"Biruin mo, sinampal pa siya ni Miguel grabe nakakahiya—" Rinig ko mula sa kaliwa naman, na mas lalong kinainit ng ulo ko.

What happened to us? Season 1Where stories live. Discover now