37 - I'm broken, do you hear me?

415 20 11
                                    

zedxxx: Konting gapang na lang! Malapit na ang ending :D

Huhubels di ko kaya. </3

PS: Follow me at twitter @zedxxxofWP maraming landian moment dun sila Presbi and Corr ;)

Also, you can listen to More than This by 1D :D It's the song for this chapter :D

37 - I'm broken, do you hear me?

Lumipas ang mga linggo at dumating din ang araw... Or should I say gabi ng concert.

Pakiramdam ko the whole time ay lumilipad ako sa nilalakaran ko. May something na kumikiliti sa tyan ko na at the same time ay dumadagdag sa kaba ko.

Halos hindi ako nakakain the morning before ng concert, dahil wala akong gana at panay lang ang inom ko ng tubig at salabat - na pagkasama sama naman ng lasa.

 

From Presbi:

I know you’re nervous and all, but please eat something okay?

Magrereply na sana ako dito ng may dumating pang SMS galing kay Presbi.

 

From Presbi:

I know you. So don’t lie.

From Presbi:

Nagpadala ako ng packed lunch for you… and of course for everyone.

You’ll do great, don’t overthink okay? Co’z I’ll be there at the front row, watching you. See you later, babe. ;)

And with just a simple text ay parang nawala na lahat ng kaba o uncertainties ko sa katawan.

I must really love this guy so much. Too much.

 

To Presbi:

Mas lalo yata akong kinabahan…

 

Kahit naging busy ako these past few weeks ay hindi ‘yun ikinatampo ni Presbi – kahit alam kong gustong gusto na niya magtampo. He understands me and the situation. Kahit madalas ay walang time, he’s still doing everything para magkita kami. Like for example, late at night ay susunduin pa din niya ako at ihahatid from my rehearsals, kahit na tinutulugan ko lang din naman siya sa sasakyan niya. Still, he understands. Madalas naman ay magddrop by pa siya sa studio para lang dalan ako ng lunch or food or anything just to lighten up my day, and yes all the way from Taft. Considering na nasa Quezon City ang studio na pinagre-rehearsan namin.

The effort is always there, never nawala. Well… Knowing Presbi, simpleng bagay lang sa kaniya ‘to. But still, I really appreciate his efforts.

"You're doing great so far, Crescendo!" I heard Glenda says nang bumalik kami sa backstage para magpalit ng damit ng mabilis. Nasa ¾ na kami ng concert and she’s right, everything is great so far! Sobrang wild ng mga fans at halos hindi na matigil ang tilian nila everytime we perform. Nakikisabay din sila sa mga lumang kanta at covers namin habang nagwawagayway naman sila ng mga phones nila with our new songs.

What happened to us? Season 1Where stories live. Discover now