10 - Sobrang gising yung diwa mo at parang pagod ka na hindi?

536 10 17
                                    

zedxxx: 2nd update this week. OMG. Nasa mood ako ha! Hahaha. Anyway as always, comment, vote & share! :3 Lemme know what you think.

 

10 – Sobrang gising yung diwa mo at parang pagod ka na hindi?

“Are you sure you’re not sleepy?” Kyle asked for the nth time bago iparada sa Town Centre yung kotse niya.

Nakaligo na kami pareho ni Kyle bago lumabas. Suot suot ko yung isa sa sweatpants niya at bagong hoodie na pinahiram niya. Don’t ask me about my undies, may issue na rin ako with undies. Gets nyo na.

“I told you, nawala talaga antok ko.” I answered. Sabay kuha sa inaabot niyang Clubmaster.

“Wear this, mukha kang drug addict.” Pangiinis niya sabay suot ng isa pa niyang Ray-ban, yung wayfarers naman.

“Whatever.” I said, sabay tingin sa inabot niyang glasses. “Palit na lang tayo, favorite mo ‘to di ba?” Sabi ko, pero sinuot ko na rin naman yung Clubmaster niya. Ayos, bagay sakin! HAHAHA. Dami ko pang sinasabi.

“Sure ka bang ayaw mo muna magpahinga?” He asked again, looking very worried again. “We could just call for delivery or—”

“Kyle…” I called, tired of his listen-I’m-just-worried-so-don’t-get-mad talk. “I’m okay. And besides, we’re here na! C’mon.” Hindi ko na inintay yung sagot niya at lumabas na ako ng kotse.

I’m not sure if it’s because of the macchiato or sadyang nawala lang talaga antok ko. Basta… Parang… Pano ba… Yung… Alam niyo yung feeling na, dapat inaantok ka na pero sa di malamang dahilan ay gising na gising ka? Sobrang gising yung diwa mo at parang pagod ka na hindi?

Sobrang labo ba? Sorry na!

**

Pumasok kami sa loob ng Pancake house, medyo puno na ng tao kaya pinili namin sa bandang dulo kami umupo.

“The usual na lang. Dalawa.” Kyle said dun sa server na kumuha ng order namin.

Madalas kami dito kumain ng breakfast ng banda. Usually kasi pagnagkakayayaan magovernight dahil sa late rehearsals, laging sa condo ni Kyle ang tuloy namin. Why not? Kung laging libre yung pagkain. Lol.

“Kala ko diretso ice cream talaga tayo eh.” I kidded nang bigla kaming natahimik pagkaorder niya. “Buti nadaan ka sa tingin.”

“I don’t want you throwing up to my precious car. Kaya malamang kakain muna tayo.” Sagot niya ng tumatawa.

“Don’t worry, wala na akong plans uminom. Eehh. Yung laway ko lasang ewan.” I said sabay inom ng tubig.

“That’s good. Wala ka naman mapapala sa inom na yan.” He said with a smirk.

“Aba aba aba. Prince Kyle Elizalde, dakilang alcoholic. Ikaw pa ang nagsalita ah.” Sabi ko sabay hampas sa kanya.

“Hey! I’m not alcoholic.” He snapped. “Iba ang alcoholic sa strong.” Patuloy na pagmamayabang niya.

“Fine fine. Edi ikaw na ang strong.” Sagot ko.

Nakita ko na yung pagkain namin na nasa tray ng server na palapit, bigla akong nakaramdam ng gutom nang biglang may lumapit—

 “Excuse me po.” Sabi nung babaeng lumapit. Naka uniform siya ng Miriam, maybe around 15-16 years old. “Kyle & Corr, from Crescendo right?” She asked with a shy smile habang pilit na tinatanaw yung mata namin, nakarayban parin kasi kami, you know... kasi mukha akong addict.

What happened to us? Season 1Where stories live. Discover now