Season 1: What happened to us? (A Cheater VS Man-hater After Story)

3.9K 31 6
                                    

Season 1: What happened to us?


To: Kuya

Kuya, where the hell are you? Aalis na ako dito. Been waiting for like 20 minutes na wala ka pa rin. Magcab na lang ako.

"Have you heard from Nics?" Tanong ni Kitel sakin habang sinend ko yung text kay Kuya.

Naaninag kong may pinapakita siya sa phone nya na Instagram photo. "Look?! Can you believe her? SHE'S IN PICO!" Hysterical nyang sabi sabay inom ng frappe nya.

Kahit di ko siya tignan, ramdam na ramdam ko na yung pagkairita nya. Parang konti na lang sasabog na sya. I chose not to react, at uminom na lang ng tea ko. 

"My god. Kung hindi pa natin nakita sa FB, hindi natin malalaman na wala na sila ni JJ. Eh parang last week lang todo PDA sila sa Andrew!" She added. "Then now, this? Ano 'to nagssoul searching siyang magisa, nagpapakaemo—"

Tuloy tuloy pa din siyang nagsasalita kaya pinutol ko na sya.

'To kasing si Kitel, OA kadalasan. Kala mo naman end of the world kung makareact. Kala mo naman nanay kung magalit. HAHA.

"Kitel, let her be okay?" I answered, sabay baba sa phone ko sa table. "We know her, hindi yun mahilig magopen up satin about sa kanila ni JJ and that's totally fine with me—"

"Totally fine? Really Corr? Really?" She sarcastically said. "Eh ikaw nga 'tong kala mo papatayin na si JJ nung umiiyak si Nics eh—"

"Excuse me? Hindi 'no—"

"Wag mo ngang ideny. Halos isumbong at ipabugbog mo na siya kila Steve nung nalaman mo yun. Excuse youuu?" Pagdidiin nya.

"Okay okay. Fine!" Sabi ko sabay taas ng dalawang kamay para sumuko. "I hate JJ's guts okay. Kaya kung nagbreak man sila. Siya 'tong nagloko at sira ulo. Kung magbreak man sila then so be it! Let Nics be. It's the best for her. Yun ang desisyon nila, then we'll just respect it—"

"You hate JJ's guts?" tanong ni Kitel na may halong sarcasm. "Ang sabihin mo, you hate everyone's guts. No. let me correct that. You hate every guys' guts!"

"Kitel? Not that okay. Wala 'tong kinalaman dun—"

"My god Corr. Matagal na sila ni JJ. Since high school!" She explained na parang di ko alam ang history ni Nics and JJ. "They're each other's firsts! Lahat ng first nila, sila. Kulang na nga lang eh magpakasal sila-"

"It doesnt mean na matagal na sila, sila yung magkakatuluyan. Bata pa sila at maraming pwedeng mangyari—" Sabi ko ng diretso. Walang preno, na parang kabisadong kabisado ko na 'tong linya na 'to.

"Corr... ayan ka na naman." Sabi nya na para bang naguilty siya sa konting pagtatalo namin at siguro dahil sa pinakita ng mukha ko.

"Hay basta. Kitel, let her be." I said sabay tayo sa table namin at kuha ng handbag ko. "She'll call or text if kailangan nya tayo. Ngayon. Hayaan mo muna siya." Sabi ko sabay lakad.

"Oh. Where are you going? I thought intayin natin yung kambal mo?" She asked.

"Tss. Magccab na lang ako. Ang tagal nya eh—"

Pinagbubuksan na kami ng guard ng CBTL nang biglang nagsalita si Kitel sa mala robot nyang boses.


"Double Ex alert Corr. Double Ex alert." Ayan na naman siya sa double ex na yan. Naiirita talaga ako everytime naririnig yung double ex na yan.

"Kitel, can you not?" Sabi ko sabay lagay ng phone sa handbag ko, habang hawak hawak yung drink ko. "May pa alert alert ka pang nalalaman dyan." Bulong ko.

What happened to us? Season 1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ