3 - You're so red, babe

807 20 6
                                    

zedxxx: dahil medyo heavy yung first two, ay light naman tayo ngayon. Hahaha! Tulad ng sabi ko sa una pa lang, maglalaro sa past and present yung story. I'll try my best na hindi kayo maguluhan. :P Sa mga hindi pa nakakabasa ng CVM before, don't worry hindi nyo na kailangan basahin yun. Baka lalo kasi kayong maguluhan HAHAHA. Treat WHTU like a brand new story na may konting history lang. AY ANG LANDI! HAHAHA Oh sya!

--

3 - You’re so red, babe

 

Nasa isang bench kami Presbi, sa bandang garden ng hospital. Medyo matagal tagal na din kaming nakaupo dito kasi ang tagal ko ding kumalma.

Nasa magkabilang dulo kami ng bench nakaupo at walang imikan.

Sobrang awkward.

Ayoko na din maalala kung gano ako kahigpit yung pagkakayakap ko sa kanya kanina habang humahagulgol ako ng todo. Kasi lunod na lunod na ako sa hiya and I’m thankful na mukhang gets naman niya yun, kasi wala na siyang sinabi pagkatapos. Niyakap lang niya ako ng mahigpit at hinagod hagod ang aking likuran.

“Are you feeling better?” He asked me sabay abot ulit nung bottled water na binili niya kanina.

I gave him a small nod at nag thank you para sa tubig.

Natahimik na naman kami ng ilang segundo at panay hangin at mahihinang boses lang sa paligid namin yung naririnig namin. Hindi ako sure kung dapat ba akong magsalita or ano dapat ang gawin ko.

Yes, marami akong tanong lalo na’t nalaman ko na every week siyang dumadalaw sa Mommy ko. Pero ewan ko ba, sa sitwasyon ngayon, mas gugustuhin kong di na magsalita. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko ngayon. Masyado akong fragile at natatakot ako sa kung anong pwedeng lumabas sa bibig ko.

Dahil din siguro nakaramdam na siya ng sobrang pagka awkward, or sadyang kilala lang niya ako. Eh siya na mismo yung naunang nagsalita.

“I started visiting your mom five months ago.” He said na agad kong ikinalingon sa kanya. Nakatingin lang siya sa malayo habang hawak hawak yung coke in can niya.

Coke talaga Presbi? Hindi ka na nagbago. Sabi nang masama yan pag inaraw araw. I thought.

“Who told you?” I asked sharply para matago yung pagwawala ng puso ko sa dibdib ko.

Stop this you stupid heart. Anong ikinapapanic mo dyan!

“Nadulas si JJ sakin, naopen up daw ni Nics sa kanya.”

Sabi na eh! Yang si Nics talaga! Lahat sinasabi kay JJ! Bilin na bilin ko pa man din na samin lang yun dahil ayokong may makaalam na iba.

 

Don’t get me wrong. Hindi sa ikinahihiya ko kung anong nangyari sa pamilya ko… Sa mommy ko.

Never.

Ang sakin lang, ayoko lang na may pagpyestahan na naman ang media. Masyado nilang minamatyagan bawat galaw ng banda namin. Siguro dahil sa kasikatan eh naghahanap sila ng butas, mapagttsismisan dahil as usual, lagi silang bored.

Ultimo nung nalaman nilang may kakambal ako eh pati buhay ni Kuya ay pinanghimasukan na nila. Tama na sila. Ayoko ng marami pa silang malaman tungkol sakin at makakasama pa yun kay Mommy at sa sitwasyon nya.

“Why didn’t you tell me?” He asked, sabay harap sakin.

Nagulat akong nakatitig pala ako sa kanya kaya nabigla ako sa intensity ng mata nya ng tumitig siya pabalik.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon